Top Stories

Tanay FISHYALAN, binuksan na

Tanay, Rizal—Inilunsad kahapon, Enero 30, 2018, ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ng Department of Agriculture at Department of Tourism (DOT)  ang proyektong “Fishyalan” o “Pangisdaan Pasyalan”  sa National Inland Fisheries Technology Center sa probisya na naglalayong palakasin ang aqua-culture at mahikayat na dayuhin ang lugar ng mga lokal na turista.

“Gagawin natin itong eco-tourism project, in cooperation with the DOT… gagawin natin siyang very enticing at ipapamulat natin dito sa mga kabataan natin na there’s a future in agriculture and fisheries” wika ni BFAR Director and Under secretary Eduardo Gongona.

Dagdag pa ni Asec. Eden Josephine David ng DOT, “Iyan po talaga ang essence ng farm tourism, that we provide not only livelihood but activities that would entertain our tourist.”

Maaaring sumubok mangisda ang sinomang mamamasyal sa “fishyalan” na pinamamahalaan ng mga residente sa naturang lokal.

Ang Fishyalan ay bahagi ng mga proyektong tugon sa Republic Act No. 10816 o Farm Tourism Development Act of 2016.

Kasabay din ng paglulunsad ng Fishyalan ang kampanyang “Discover Philippine Seafood—from our sea’s to your plate” na humihikyat sa mga turista na tangkilikin ang mga pagkain mula sa karagatan ng Pilipinas.

Nagpahayag naman ng suporta si Tanay Mayor Rex Manuel Tanjuatco sa proyekto at umaasang malaki ang maitutulong nito sa kabuhayan ng lungsod.

“Tanay is a tourism town, so napakalaking impact po nito at magdadagdag pa ito nang dagdag na turista at makikita rito ang pinaghirapan ng national government,” wika niya.

Binabalak din ng BFAR at DOT na ilunsad ang proyekto sa iba pang bahagi ng bansa. (TapatNews)


Photo: Department of Agriculture, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *