National Top Stories

Faith-Based Tourism isinusulong ng DOT

Binabalak ng Department of Tourism (DOT) na gawing “religious pilgrimage” ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabalik at pagpapaunlad ng mga makasaysayang lugar at simbahan sa bansa.

Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, ang proyeto ay magiging parte ng preparasyon para sa pagdiriwang ng Ika-limandaang anibersayo ng pagdating ni Ferdinand Magellan sa Cebu.

“The Philippines is an ideal destination of religious pilgrimage, not only for sight-seeing but to actually experience the time-honored Filipino traditions dating back to pre-Spanish era, and then the Christianization period,” pahayag ni Teo.

Base sa binigay na pahayag ng DOT tinatayang dalawang milyon katao ang natipon-tipon sa Cebu City upang masaksikhan ang isa sa mga popular na pista sa Pilipinas: Sinulog o ang Pista ni Santo Niño.

May potensyal umano ang mga pistang kagay nito na makapanghikayat ng mga dayuhang nais masaksihan at maranasan ang kakaibang tradisyon, particular na ang malaking paggalng at debosyon ng mga Pilipino kay Hesukristo.

Dagdag pa ni teo, may tinatayang 6.6 milyon ang katoliko sa Asya na maaaring maging “prospective market” para sa “faith-based tourism” sa bansa.

Ayon naman kay DOT Faith Tourism Director Marissa Diploma, sila ay makikipag-ugnayan sa mga tour operators upang ilapit ang ideya ng “Spiritual tour packages” na siyang makapag-aakit sa milyon-milyong turista. (Tapat News)

 


(Photo retrieved from CBCPnews.net, ACN Philippines)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *