Provincial

Lani Cayetano: Tabang para sa mga naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Mayon

MANILA, PHILIPPINES- Kasabay ng paghingi ng tawad ni Mocha Uson sa pagkakamali niya sa lokasyon ng Bulkang Mayon ay ang pakikipanayam niya kay Mayor Lani Cayetano – Mayor ng Taguig City, ukol sa tulong na maaring i-abot sa mga mamayan.

Kilala si Lani Cayetano na laking Tiwi, Albay kaya naman nais niyang magbigay ng tulong para sa mga mamamayan nito.

“Ang Taguig City po ay nag-oorganize na ng ng ipapadala nating tabang diyan, ang pauna po ay nagpreprepare tayo ng para sa tatlong libong katao pero alam ko na dakkel po talaga ang naapektuhan, marami ang naapektuhan pero sisikapin po natin, to mobilize more support para sa kababayan natin diya” ani niya

Bukod sa relief goods, magpapadal rin ang Taguig City ng Medical Team kasama ang Emergency Response Department (ERD).

“So ginagawa natin’ to hindi lang dahil Albayano ako, nalaman naman natin na tumutulong tayo sa Marawi, tumutulong tayo sa iba’t-ibang mga siyudad at mga probinsya na tinatamaan ng kalamidad, kasi yun naman talaga ang diwa ng local governance ‘yung sisikapin mo sa abot ng makakaya mo sa anumang paraan” dagdag niya.

Kinuha ni Cayetano ang pagkakataon upang manghingi ng tulong para sa naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Mayon.

Nagpasaring din si Mocha Uson sa kaniyang mga basher na tapusin na ang isyu at mas tutukan ang pagtulong sa mga naapektuhan sa Albay. (Tapat News)

 

 

 


(Photo retrieved from CBCPnews.net)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *