National Top Stories

Suplay ng pagkain sa Albay, nagkakaubusan na

Problemado ang gobyerno ng Albay dahil kinakapos na sa pang-araw-araw na pagkain ang higit sa 84,000 na residenteng nasa mga evacuation centers.

Ayon kay  Office of Civil Defense (OCD) regional director Claudio Yucot, nagrereklamo na umano ang mga bakwit dahil paulit-ulit na lang daw ang kanilang kinakain: kadalasang kundi instant-noodles ay de-lata lamang.

Bagamat may natatanggap na relief goods ang mga kasalukuyang residente ng mga evacuation areas mula sa pamahalaan at sa mga pribadong organisasyon, kanilang iginiit na hindi pa rin sapat ito sa dami nila at sa maaaring itatagal pa nila doon.

May ilang mga volunteers mula sa pribadong sektor naman na  pumupunta sa Albay upang tumulong at magbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga evacuees.

Gumagawa na ng paraan ang  OCD at Department of Social Welfare and Development  upang suportahan ang lokal na pamahalaan ng Albay na apektado sa pag-alburuto ng bulkang Mayon.

Sa mga nais magbigay ng donasyon, mangyaring makipagugnayan sa TAYO Inc. office, sa Room 2, Citispire Bldg., Imelda Roces Avenue, Gogon, Legazpi City, teleponong 0927 665 4715. Maaari ding magdeposito sa Metrobank TAYO Inc. Account Number: 595-7-59500460-4. (TapatNews/Jamaica Geronimo & Nanette Amongol)


Mayon continues to emit volcanic ash and smoke as thousands flee to evacuation center. PHOTO COURTESY OF THE DIOCESE OF LEGAZPI

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *