National Top Stories

PDEA, kinumpirma na may bagong suplayer ng droga sa bilibid

Kinumpirma ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong huwebes na may panibagong suplayer ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP), base sa imbistigasyon.

Sinabi ni PDEA Acting Director for Intelligence Services, Jigger Montellana sa kanyang ulat sa House Committee on Justice sa prolipikasyon ng bentahan ng iligal na droga sa bilibid na may mga panibagong suplayer ng droga na lumutang sa kanilang imbestigasyon sa mga transaksyon na nagaganap sa loob ng kulungan.

“We found out that some of sources of drugs we have confiscated actually comes from transactions from NBP and most of these personalities are not captured in radar of personalities we are already monitoring,” ani ni Montellana.

“We have monitored na mga big time personalities in the NBP. Hindi ‘yun ‘yung mga lumalabas na pangalan sa mga nako-confiscate namin. So basically may new names na nag-come up na wala sa radar na we are monitoring inside Bilibid,” kaniya pang dinagdag.

Ayon pa kay Montellana, ang mga bagong suplayer umano ay maaaring mga dati pang nakulong na Chinese drug lords na kasalukuyan pang pinapangalanan ng PDEA intelligence unit.

Ani pa niya, habang hindi sila nakapagbebenta sa loob ng kulungan, ginagamit nila ang kanilang koneksyon sa labas upang makapag-suplay ng iligal na droga sa loob.

Ayon kay Bureau of Corrections legal officer Daisy Castillote, naging possible raw ang mga drug transactions sa pamamagitan ng patagong paggamit ng mga telepono o cellphone na mahigpit na ipinagbabawal sa mga pihitan.

Kinumpirma naman ni Police Supt. and Legal and Investigations Division Chief Enrico Rigor na meron nga silang binantayang mga palitan ng tawag sa pagitan ng mga supplier ng droga sa loob ng bilibid at sa mga di pa nakikilalang personalidad sa labas mula Marso hanggang Disyembre ng nakaraang taon.

Dagdag pa niya, nalilimitahan umano sila ng Anti-Wiretapping Law na makakuha ng bagong ebidensya laban sa mga sangkot sa naturang kaso.

Pinaliwanag naman ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Antonio Kho na may mga signal jammers na nakakabit sa Building 14 ng Maximum Security Compound, kung saan nakakulong ang mga high-profile inmates at detainees na posibleng sangkot sa imbestigasyon. (TapatNews)


The New Bilibid Prison in Muntinlupa City. Photo retrieved from CBCPnews.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *