Top Stories

Bilang ng mga namatay sa DENGVAXIA, muling nadagdagan

Isang 11-anyos na bata na nabigyan ng kontrobersyal na bakuna ang naipabalitang namatay sa sakit na Dengue nitong nakaraang miyerkules.

Paniwala ng kaanak ni Aj Bautista- ang biktima, na nagmula ang komplikasyon sa bakunang natanggap ng bata noong Agosto.

Biyernes noong nakaraang lingo nang makaramdam ng pananakit ng ulo at lalamunan ang bata kaya’t kinabukasan agad itong dinala sa Valenzuela Medical Center.

Ang isa pang kinatatakot ng pamilya Bautista ay ang kalagayan ng kanyang nakababatang kapatid na si Ashley na nagkaroon ng parehong sintomas at agad ding sinugod sa ospinal noong sabado.

Wala pa ring kasiguraduhan hanggang sa kasalukuyan kung Dengue nga ba ang sakit ng bata ngunit bumubuti na rin naman raw ang kalagayan ng bata bagamat may pamamaga parin ng binti at mga rashes.

Nailipat na ang kapatid ng namatay sa Philippine Children’s Medical Center upang lalong maobserbahan.

Ayon kay dating DOH Secretary Dr. Janeth Garin,  pananagutan nila ang pagkamatay ng mga bata kung mapapatunayang dahil ito sa Dengvaxia vaccine at sisiguraduhing mananagot rin ng Sanofi Pastuer dahil sila ang gumawa ng bakuna. (Tapat News)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *