National

Asec. Mocha Uson, Isinauli ang natanggap na parangal

MANILA – (UPDATE) KINUMPIRMA ni Presidential Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson na tuluyan na niyang ibinalik ang Gawad Thomasian Alumni in Government Service Award sa UST Alumni Association Inc (USTAAI).

“Isinauli ko na po iyong award” ani niya sa mga reporters sa Ninoy Aquino International Airport.

“Ako na po, tayo na po ang nag-alok na ibalik ang award dahil sobra na po ang pambubully ng ilang Tomasino kay Pres. Henry Tenedero” dagdag niya pa sa kaniyang Facebook live na nailathala sa kaniyang Facebook blog.

Tinanggap nina Robert Sy, Chairman ng UST Alumni Association Inc. at Board Adviser Jack Castaneda ang ibinalik na parangal.

Pinasaringan niya rin sa isang panayam ang mga Tomasino na bumabatikos sa kaniya at iginiit na nililimitahan umano ng mga ito ang kalayaan ng USTAAI sa pagpili ng paparangalan.

Nagbigay rin siya ng komento tungkol sa pagtutol ng UST Central Student Council at UST Journalism Society sa kaniyang pagiging awardee, ani nila isa umano si Mocha sa nagpapakalat ng politically motivated propaganda at fake news.

“Nakita niyo naman po diba, pinatawag na tayo sa Senate Hearing ng fake news at napatunayan na hindi ako ang nagpapakalat ng fake news, hindi katulad ng Rappler,” komento niya.

“Tsaka, hindi ako media, ang nakalagay sa blog ko ay opinyon, maaaring hindi niyo magustuhan pero hindi iyon balita,” dagdag pa niya.

Nagpasaring din siya sa kaniyang nga basher na i-enjoy na lamang ang Freedom of expression.    (Tapat News)

 


(Photo retrieved from the Varsitarian website)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *