Provincial Top Stories

Kalagayan ng Mt. Pulag matapos matupok ng apoy

Isa sa pinakapopular na destinasyon para sa mga hikers ang Mt. Pulag na matatagpuan sa probinsiya ng Benguet na natupok ng apoy noong Sabado, Enero 22 dahil sa naiwang portable butane gas stove.

Nagbigay ang Bureau of Fire Protection ng kanilang pahayag sa kanilang facebook page

Ayon sa Bureau of Fire Protection ang apoy ay nagsimula sa Saddle Camp ng naturang bundok. Alas-tres ng hapon, dumating ang mga bumbero ekstaktong ala-siyete diyes ng hapon at naapula ang apoy eksaktong alas-nuwebe kinse ng gabi. Wala naming naitalang nasugatan o namatay sa nasabing insidente.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong Huwebes, naapektuhan ang mahigit sa limang ektarya ng damuhan mula Saddle Camp hanggang sa hilagang-silangang parte ng bundok.

Inihahanda na rin ng DENR ang kaso laban sa mga taong responsible sa naganap na insidente na siyang naglagay sa tiyak na kapahamahakan sa kapwa nila hikers at nakasira sa yaman ng bundok.

“The DENR recognizes the impact of the fire had on the national park and we will pursue all legal avenues to bring those responsible to account,” saad ni Secretary Roy Cimatu

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng DENR, ang butane gas stove na naging sanhi ng sunog ay pagmamay-ari ng mga hiker mula Cebu.

“Regional Director Ralph Pablo of the DENR-Cordillera Administrative Region said seven mountaineers led by a certain Kristomar Mackay could face criminal charges for violation of Republic Act No. 7586 or the National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act, and Presidential Decree No. 75, also known as the Forestry Reform Code of the Philippines.”

Plano nilang magpatupad ng karagdagang kahingian sa mga hiker upang hindi na maulit anginsidente, nais din nilang magbukas ng open area para sa mga nais magluto at magpa-require ng portable fire extinguisher sa mga nais bumisita rito.

“The DENR is mandated to protect Mt. Pulag, but it is imperative that hikers and visitors do their part as well,” ani ni Cimatu.

Upang makapagbigay-daan sa rehabilitasyon ng nasirang parte, dineklarang off-limits sa mga hiker ang ibang parte ng bundok.

Bumuhos naman ang pagdadalmahati at pagkadismaya ng ibang mga pinoy netizens tungkol sa pagkasira ng Mt. Pulag sa pamamagitan ng pagpopost ng retrato ng bundok bago at matapos ang insidente. (Tapat News)

 

 


(Photo retrieved from Mt.Pulag website)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *