National

Mocha Uson: Pasensya na po!

Manila, Philippines – Humingi ng tawad si Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson hinggil sa pagkakamali niya sa lokasyon ng Bulkang Mayon.

Inamin niya ang kaniyang pagkakamali sa ginawa niyang video na inilathala sa kaniyang Facebook page.

“Trending nga po tayo dahil diyan sa nakakatawang issue, ‘yang pagkakamali ko na ang bulkang Mayon ay nasa Naga. Okay, pasensya po, inaamin ko po na nagkakamali ako, okay, pasensya na po, ayan,” ani niya

“Nakakatawa, napakaliit na issue, ginagawang headline, ginagawang national news, trending, pero pagdating sa Dengvaxia, tahimik kayo, ‘di ba, tapos pagdating sa pagkamatay ni Atio Castillo diyan sa UST, tahimik din kayo,” saad niya.

Binanggit ni Uson si Horacio Castillo III, Law Student sa Unibersidad ng Santo Tomas, na namatay dahil sa initiation ng isang fraternity.

“Pero ‘yung simpleng pagkakamali ko na hindi naman maapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas, ang seguridad ng bansa natin, grabe kayo kung makapanghusga,” dagdag niya.

Miyerkules nang sinabi niyang ang Bulkang Mayon ay matatagpuan sa Naga imbes na sa Albay, umani ito ng maraming batikos lalo na sa mga netizens, iginiit niya rin na ang midya ay dapat tumuon sa mas mahahalagang isyu kagaya ng Dengvaxia at pagtanggap ng pera ni Drilon kay Janet Lim-Napoles.

“Piyesta na naman ang mga DISENTE/DILAWAN dahil sa pagkakamali na naman ni Mocha!” salaysay niya sa video na kaniyang inilathala sa kaniyang facebook page.

“Nanawagan tayo na tulungan ang mga kababayan natin na naapektuhan ng pagsabog ng bulkang Mayon. Ngunit ang pinagtuonan nila ng pansin ay ang pagkakamali ko na nasabi kong NAGA kesa ALBAY. Wala pong excuse sa aking pagkakamali. Pasensya na po. Mas pagbubutihin ko sa susunod,” dagdag niya.

Si Uson na kasalukuyang nasa India bilang bahagi ng delegado ni President Rodrigo Duterte sa ASEAN India Summit ay nasangkot kamakailan matapos niyang parangalan ng UST Alumni Association at tanggapin ang Thomasian Alumni Award for Government Service  noong linggo. (Tapat News)

 

 


(Photo Screenshot of Uson’s Naga gaffe video)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *