National Top Stories

Duterte pinagbawal na ang ‘Foreign explorations’ sa Benham Rise.

Inutos ni Presidente Rodrigo Duterte na itigil ang lahat ng marine explorations na ginagawa ng mga dayuhang mananaliksik  sa Philippine Rise na dating Benham Rise, nitong Lunes, Pebrero 6, 2018.

Ibinahagi ni Agriculture Secretary Manny Piñol sa kaniyang facebook account ang utos na ibinigay sa isang pulong ng kabinete na ginanap sa Malacanang Palace.

“President Rody Duterte last night ordered the cessation of all marine explorations and studies by foreign scientists and directed the Philippine Navy to ‘chase out’ any vessel fishing or conducting [research],” ani ni Piñol sa kaniyang facebook post.

Giniit din niya ang winika ng Presidente na ang Benham Rise o Philippine Rise ay pagmamay-ari ng mga Pilipino at ang kahit na anong sabi-sabi na bukas ito para sa lahat ay dapat nang itigil.

“Henceforth, only Filipino scientists will be allowed to conduct researches and exploration in the Philippine Rise,” dagdag niya.

Inutusan din umano ni Duterte ang Department of National Defense na magpadala navy vessels at ang Philippine Air Force na magsagawa ng flyovers upang lubos na mabantayan at masiguro na walang dayuhan ang naglalayag sa loob ng teritoryo nito.

Ang Department of Agriculture naman ay magpapadala ng dalawang sasakyang-pandagat upang magbantay sa dagat na sakop nito at magpapalipad din ng mga Unmanned Aerial Vehicles (AUV) na magmumula sa military base sa Silangang Luzon upang bantayan ang kalawakan  ng Philippine Rise.

Tutulong din sa pagbabatay ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa pamamagitan ng pagpapadala ng dalawang multi-mission off-shore vessels- BRP Lapulapu at BRP Francisco Dagohoy. (TapatNews)


Photo by: DA-BFAR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *