National Top Stories

PNP magsisimula ng magsuot ng body worn cameras sa Hunyo.

 

Sa darating na Hunyo, target ng Philippine National Police (PNP) na may magagamit na na Body Worn Cameras (BWC) ang mga pulis na sumasabak sa anti-drug operation, para umano maging transparent o hayag sa publiko at higit sa lahat ay mapanatag  ang loob ng mga kritiko.

 

“June, meron na tayong body camera sa lahat ng mga drug enforcement units. Sa buong PNP, ‘yun ang pinaka-conservative estimate of the procurement process. Pero kami talaga bibilisan namin ‘yan. The more na wala ‘yan, the more na uneasy ‘yung mga kritiko natin,” ani ni PNP Director General  Ronald dela Rosa.

 

Ayon pa sa kaniya, “We [will] not allow them [to operate] without body cameras…para transparent tayo. Yung commitment namin to prevent bloodshed and to avoid commiting human rights violation ay talagang nandiyan palagi.”

 

Aabot naman sa P334 M ang inilaang budget ng PNP sa may 12,476 na body camera na water proof, may 2-inch colored-display screen , 16 megapixels , 110° field of view, 32-128 gigabytes, 8-12 hours maaaring gamitin (continuous operations), 2 meters shock/impact resistace, built-in microphone, built-in GPS, at mayroon din night vision.

 

Binabalak rin umano ng PNP na bumili ng real time monitoring system para mapanood ng live sa mga istasyon o head quarters ang kuha ng mga drug cooperative.

 

“This is the first time were going to buy it, that’s why we’re getting suggestions. We are not perfect…we don’t know anything about the body cameras but they know because they are the one whose manufacturing it,” paliwanag ni Police Deputy Director General Archie Francisco Gamboa

 

Ngunit nilinaw rin naman ng PNP na hindi porket magiging transparent sila sa masasagap ng kanila body cameras, hindi ito nangangahulugang bukas ang kanilang tanggapan sa publiko na nagnanais makapanood ng mga kuha.

 

“Mahirap kung bumili kami nito (pagtutukoy sa body camera) tapos ila-livestream namin lahat ng operation, where’s the secrecy, tactics, strategies on operation? Were doing this because it could help us for policy formulation,” wika ni Gamboa.

 

Inaasahan naman magsisimula na ang bidding process sa susunod na buwan. (TapatNews)

 


Photo retrieved from Philippine National Police Facebook Page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *