Zubiri, Abusado sa Kapangyarihan

 

 

Ni: Joel O. Amongo

 

IPINAUUBAYA na ng Office of the Ombudsman ang pagpapasuspinde ng anim na buwan kay Bukidnon Gov. Jose Maria Zubiri matapos mapatunayang umabuso ito sa kapangyarihan.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, ang kalihim na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang magpapatupad ng suspensiyon laban kay Zubiri.

Nabatid naman ng TapatNews.com na hindi pa natatanggap ni Sec. Ismael “Mike” Sueno ang dokumento ng Office of the Ombudsman ukol sa suspensyon ni Zubiri.

Ayon kay Morales, si Zubri ay napatunayang umabuso sa kapangyarihan.

Aniya, si Zubiri ay “guilty” sa paglabag sa Seksyon 5 (a) ng Code of Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act No. 6713).

Batay sa imbestigasyon ng Office of the Ombudsman, noong Enero 2013 ay tumangging lumagda sa “clearance of request for commutation” ni Carlos Ycaro, dating provincial assessor ang nasabing gobernador, samantalang katungkulan niyang gawiin ito bilang pinuno ng pamahalaang panlalawigan.

Ang katwiran naman si Zubiri kaya hindi niya nilagdaan ang clearance ni Ycaro ay dahil hindi pa tapos ang isyu hinggil sa nawawalang mga upuan kung saan si Ycaro ang sinasabing may pananagutan.

Sa nasabing desisyon ng Ombudsman, idiin na hindi tama at ligal na batayan upang huwag aprubahan ang aplikasyon para sa “leave of commutation” ni Ycaro lalo pa’t mayroon siyang mahigit 300 araw na “commutable leave credits.”

Ayon pa sa Office of the Ombudsman, ang hindi pagkilala at pagtupad ni Zubiri sa batas bilang isang opisyal ng pamahalaan ay malinaw na palabag sa Seksyon 5 (a) ng Republic Act No. 6713.

Ang grave abuse of authority ay ipinapataw sa sinumang opisyal ng pamahalaan na inaabuso ang kanyang kapangyarihan laban sa mga kawani ng pamahalaan, paliwanag ni Morales.

Si Zubri ang ama ni Senador Juan Miguel Zubiri na naging kontrobersyal nang manalo sa eleksyon bilang senador ilang taon na ang nakalilipas sa pamamagitan ng pandaraya ng administrasyong Arroyo.

Ang mga Zubiri ay kilalang pamilya ng pampulitikang daynastiya sa Bukidnon.

Kilala rin ang mga Zubri na isa sa mga pinakamayamang angkan sa Bukidnon.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like