‘Yari si Peter Lim sa NBI’

PETER LIM: Ang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na umanoy ikatlong pinuno ng sindikato ng droga sa Pilipinas. Inaasahang tutungo sa National Bureau of Investigation (NBI) anumang araw sa susunod na linggo upang sumailalim sa masusing imbestigasyon.
PETER LIM: Ang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na umanoy ikatlong pinuno ng sindikato ng droga sa Pilipinas. Inaasahang tutungo sa National Bureau of Investigation (NBI) anumang araw sa susunod na linggo upang sumailalim sa masusing imbestigasyon.

Ni: Bernard Badilla-Toledo

HINDI nakalusot ang pagtanggi ni Peter Lim kay Pangulong Rodrigo Duterte na hindi totoong siya ang isa sa tatlong nangungunang drug lord sa bansa.

Sabi ni Lim kay Duterte, hindi siya nagnenegosyo ng shabu.

“Sumailalim ka sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI)  upang malaman kung totoo, o hindi ang impormasyon laban sa iyo,” tugon ni Pangulong Duterte sa pinaniniwalaang ikatlong big boss ng pinakamalaking sindikato ng droga sa bansa.

Ang posisyon ni Duterte sa kaso ni Lim ay direktang nalaman ng huli nang makipagkita siya sa Pangulo noong Biyernes ng gabi sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Region 11 sa Davao City.

Kamakailan, idiniin ni Duterte na si Lim ay isa mga nangungunang lider ng sindikato ng shabu sa Pilipinas.

Ang pokus umano ng operasyon ni Lim ay ang Visayas Area.

Ang dalawang kasamahan ni Lim na tinukoy ni Duterte ay sina Peter Co at Herbert Colanco na kapwa nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP).

 

 

Si Co ang sinasabing lider, si Colayco ang pangalawa, at si Lim ang ikatlo sa buong sindikato.

Noong ibunyag ang pangalan ni Lim, tiniyak ni Duterte na kapag tumuntong sa airport si Lim ay tiyak na mamamatay ito.

Ang kontekto ng pahayag ni Duterte ay nasa ibang bansa si Lim.

Ngunit, nasa Pilipinas pala at nakipagkita sa Pangulo upang linisin ang kanyang pangalan.

Ang gusto ni Pangulong Duterte ay magpunta si Lim sa NBI para maimbestigahan nang husto at makipag-usap ito kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre III.

Anang Pangulo, dapat makipagtulungan si Lim sa pamahalaan.

Idiniin ni Duterte na hindi nangangahulugang lusot si Lim makaraang sabihin niya sa Pangulo na hindi siya sangkot sa iligal na droga.

Inulit din ng Pangulo na hindi iaatras ng Philippine National Police (PNP) ang laban sa mga sangkot sa droga bilang tulak o bilang gumagamit.

You May Also Like