World Bank, Nakikialam sa Pilipinas

 

Ni: Roy Bersales

 

 

HULING-HULI na world Bank pala ang bumubulong at nagpupursige sa posisyon ng Department of Finance (DOF) na baguhin ang 20-taong-gulang na sistema ng pamumuwis sa Pilipinas.

Ayon sa World Bank, dapat lawakan ng DOF ang base ng pagkukunan ng buwis ng bansa upang lumaki ang pera ng pamahalaan.

Iginiit nito na wasto lamang na tanggalin na ang mga exemption sa maraming produkto sa 12 porsiyentong value-added-tax (VAT).

Ayon din sa World Bank, nararapat lamang magkaroon ng mataas na excise tax ang mga sasakyan.

Batay sa rekod ng pamahalaan, ilang taon na rin mataas ang bentahan ng mga sasakyan sa Pilipinas dahil ang presyo nito ay kayang-kaya ng maraming Pilipino.

Idiniin ng World Bank na napapanahon ang pagbabago ng lumang sistema ng pamumuwis sa Pilpinas upang lumaki ang pondo ng pamahalaan.

Kailangan ang malaking pondo ng administrasyong Duterte, sapagkat marami itong plano at proyekto sa bansa.

Ang mga pagbabagong gustong mangyari ng World Bank ay lumilitaw na hindi balewala, sapagkat ito na ang posisyong ipinasa ng DOF, sa pangunguna ng kalihim mismo nito na si Carlos Domiguez III, sa Kongreso.

Sinabi naman ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa media na bubusisiin nilang mabuti ang mungkahing pagbabago sa sistema ng pamumuwis sa Pilipinas upang malaman kung ito ay makabubuti sa mamamayang Pilipino, o hindi.

Ayon sa Ibon Foundation, isang independent research group, ang ideya ng DOF ay magpapadugo sa kita ng mga mahihirap, dahil ang bulto ng kakabiging buwis ng pamahalaan ay manggagaling sa mahihirap kaysa mga mayayamang negosyante.

Idiniin ng Ibon na ang pinakatamang gawin ng DOF ay ipokus sa mga milyonaryo ang paniningil ng mas malaking buwis upang makalikom ng mataming pera ang pamahalaan at hindi sa mga mahihirap.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like