Wire-tapping, Anti-money Laundering Palakasin vs Drug Lords

 

Ni: Joel O. Amongo

 

NANINIWALA ang pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kailangang palakasin ang mga batas hinggil sa wire-tapping at money-laundering upang magamit ito sa pagkuha ng malakas na ebidensiya laban sa drug lords at mga pinansiyer nila.

Sabi ni Director General Isidro Lapeña, sigurado siyang matitiklo ang mga pinansiyer ng sindikato ng droga sa pamamagitan ng pag-amiyenda ng batas sa wire-tapping at anti-money laundering.

Inihayag ni Lapeña ang kanyang posisyon ay inihayag niya nang makipagkita at makipagtalakayan ang mga opisyal ng PDEA sa kanilang counter-part sa kampanya laban sa iligal na droga mula sa Australia, Canada, China, Great Britain, Japan, Kingdom of Saudi Arabia, Mexico, Republic of Korea, Russia, Taipei Economic and Cultural Office-Republic of China, Thailand, at United States of America (USA).

Bukod sa pagtutulungan ng iba’t ibang bansa laban sa bawal na gamot, “another goal of the meeting is to bring together PDEA officials, drug law enforcers, and officers of foreign embassies here in the country, to familiarize them with the country’s drug situation and present the strategic, thrusts and programs of the national anti-drug campaign,” saad ni Lapeña.

Sa nasabing pulong nitong Lunes, kasama rin ang mga sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Department of National Defense (DND), Department of Foreign Affairs (DFA), and Maritime Industry Authority (MARINA) ang dumalo sa nasabing pulong.

Idiniin ni Lapeña, na hindi naman humahawak ng droga ang mga pinansiyer, kaya sa pamamagitan ng paggamit ng wire-tapping ay mahuhuli nila ang mga ito.

Idinagdag pa nito na mas madali nilang matutumbok, o mahuhuli ang mga mamumuhanan ng droga sa pamamagitan ng pakikinig ng kanilang usapan.

Idinagdag pa ni Lapeña, gagamitin din nila ang anti-money laundering laban sa mga drug lord at pinansiyer upang masilip ang kanilang mga bank accounts.

Dahil dito, nagkasundo ang mga nasabing mga bansa na dumating sa nasabing okasyon para labanan ang problema sa droga sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga impormasyon at mga estratehiya.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like