Website ng Phivolcs hindi pinaligtas ng hackers

philvocs

HINDI pinaligtas ng hackers ang website ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) makaraang ma-hack ang naturang webpage noong Linggo, partikular na ang welcome page nito.

Hindi naman nagpakilala ang naturang hackers at wala ring mga iniwang mensahe, taliwas sa mga naunang pag-atake sa ilang government websites.

Gayunman, niliwanag ni Phivolcs Director Renato Solidum na hindi naman ito makaaapekto sa kanilang mga data tungkol sa mga lindol.

Sinabi ni Solidum na may mga mirror websites naman silang ginagamit upang maipagpatuloy ang operasyon kahit nasira ang ilang bahagi ng kanilang main webpage.

You May Also Like