WASAK ANG KREDEBILIDAD NI EDGAR MATOBATO

 

Ni: Roy Bernales

 

WALANG kredebilidad ang “demolition man” na si Edgar Matobato, ayon sa dalawang beteranong senador.

Balak ni Senador Panfilo Lacson na hilingin sa Senate Committee on Justice and Human Rights na pinamumunuan ni Senadora Leila de Lima na pag-usapan muna ng komite kung nararapat pang isalang muli si Matobato sa pagdinig ng komite sa Martes, sapagkat malaki ang duda niya sa kredebilidad ni Matobato.

Ibinunyag ni Matobato na sina Pangulong Rodrigo Duterte at Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte ang mga ‘utak’ ng mahigit 1,000 patayan sa Davao City mulang 1998 hanggang 2014.

Tahasang itinanggi ito ng bise-alkalde.

Inihalimbawa ni Lacson ang pagpatay umano ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCKTF) sa Salim Makdum noong 2002 na siyang ibinunyag ni Matobato.

Idiniin ni Lacson na wala itong katotohanan, sapagkat wala nang PAOCKTF noong 2002.

Idinagdag pa ni Lacson na wala siyang nadiskubreng Makdum na international terrorist na pinatay noong 2002 sa ilang ulit niyang pag-goggle.

Iginiit ni Lacson na mahalaga na ang haharap na testigo sa isinasagawang pagdinig sa Senado ay nagsasabi ng katotohanan.

Maging si Senador Alan Peter Cayetano na hindi kapartido ni Lacson ay naniniwala na ang paglantad ni Matobato ay bahagi ni “Oplan – B” na Liberal Party (LP).

Ani Cayetano, si De Lima na pinuno ng Senate Committee on Justice and Human Rights na siyang komiteng pinagsalangan ni Matobato ay LP.

Ang isa ang miyembro ng komite ay si Senador Franklin Drilon na isa ring LP, saad ni Cayetano.

Ang laman ng Oplan – B ay pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamumuno ng LP kung saan si Bise-President Leni Robredo na lider na ng LP ang kanilang pauupuing Pangulo ng bansa.

Idiniin ni Cayetano na ang tunay na motibo ng paglantad ni Matobato ay pabagsakin si Duterte na bahagi ng Oplan – B ng LP.

Tahasang itinanggi ito ni Robredo.

Idiniin ni Robredo na siya, sa partikular, ay todo-suporta sa administrasyong Duterte.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like