‘Walang Pulis-pulis sa Anti-Illegal Drug Campaign ni Digong’

ITO ang malinaw na mensahe sa kampanya kontra-droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte makaraang matagpuang bangkay na ang isang pulis-Bulacan na binansagang tula ng ipinagbabawal na gamot sa Bulacan.

“Pulis na pusher, huwag tularan.”

Ganito ang nakasulat sa karton na nakapatong sa dibdib ng pinatay na si PO3 Michael Lee Malalad.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis-Bulacan, ang bangkay ni Malalad ay natagpuang duguang nakahandusay sa isang bakante at matalahib na lugar sa Brgy. Ubihan, Meycauayan, Bulacan bandang ala-1 N.U.

Itinawag ng isang barangay tanod na nakakita sa bangkay sa himpilan ng pulisya ang natagpuan nitong patay, ngunit dumating sa lugar ang SOCO tatlong oras ang nakalipas.

 

 

Nakagapos ang mga kamay, may tali sa leeg, at may tali rin ang bunganga ni Malalad nang abutan ng mga taga-SOCO.

Malambot pa ang bangkay ni Malalad, ayon sa SOCO, kaya posibleng kapapatay lamang sa kanya.

Ang klase ng pagkamatay ni Malalad ay walang dudang isang salvaging, saad ng isang pulis.

Naka-uniporme pa si Malalad ng pinatay na posibleng ang mensahe ng mga nagpapatay saa kanya ay “walang pulis pulis sa anti-illegal drug campaign ng administrasyong Duterte.”

Si Malalad ay dating nakadestino sa Malolos PNP.

Aalamin pa ng Philippine National Police (PNP) ng lalawigan kung totoong tulak si Malalad ng shabu sa Bulacan bago magdesisyon ang PNP na pusher nga ng shabu ang nasabing pulis.

Nabatid ng Tapat News online na kauna-unahang pangyayari ang salvaging sa hanay ng PNP na sangkot sa droga.

Ang madalas kasing maganap ay sibilyang drug pusher ang sinasalvage tulad ng dalawang kalalakihan na pinatay, plinasteran ang mga mukha, at isiningit sa plaster ang pahayag na: “Drug pusher ako, huwag tularan” na natagpuan sa ilalim ng tulay ng Quiapo nitong nakalipas na Linggo. (Tapat News Team)

You May Also Like