‘Walang moral na batayan ang pumatay ng kriminal’—Villegas

Walang moral na batayan ang pumatay ng suspek” sa krimen.

Ito ang idiniin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas makaraang ang sunod-sunod na pamamaslang ng mga pulis sa mga pinaniniwalaang drug pusher.

Ayon sa rekord ng Philippine National Police (PNP), umabot na sa 34 katao ang namamatay nang dahil sa kampanya laban sa mga drug pusher at durigista simula nang manalong Pangulo si Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte.

Si Duterte ay opisyal at pormal na uupong Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa Hunyo 30 sa ganap na 12:01 P.M.

Bagamat, walang inilalatag na “patakaran” ng PNP na patayin ang mga drug lord, drug pusher, at durigsta, naging sunod-sunod naman ito mula nang manalo sa pagkapanalo si Duterte.

Ang pagsugpo sa droga sa bansa ang isa sa pangunahing adyenda ni Duterte sa kanyang pag-upo sa Malakanyang.

Ayon kay Archbishop Villegas, pangulo rin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang pagpatay ng suspek sa krimen ay hindi morally justified kahit pa mayroon sapat na imbestigasyong isinagawa laban dito.

Aniya, ang “shoot to kill” ay maaari lang gawin ng pulis para ipagtanggol ang sarili nito sa engkuwentro laban sa mga kriminal, o di kaya ipagtanggol ang iba.

Suspicion is never the moral equivalent of certainty, and punishment may be inflicted only on the ground of certainty,” diin ng arsobispo.

Hindi rin wasto na tumanggap ng pabuya upang pumatay ng mga kriminal, patuloy ng arsobispo.

Kamakailan, mismong si incoming President Rodrigo Duterte ang nag-anunsiyo na magbibigay siya ng P3 milyong pabuya sa sinumang makapapatay ng drug lord.

For greater reason is it a duty to keep away from any participation and any form of cooperation with vigilantes and vigilante movements,” paliwanag ni Villegas.

We understand the difficulties that law-enforcers face, the daily risk to life and limb, but not only civil society but also the Church counts on them for the flourishing of a society where all enjoy the blessings of a regime under laws that are just and institutions that are fair,” tugon pa ni Villegas.

Ang pahayag ni Villegas ay may kinalaman sa serye ng pamamaslang ng mga alagad ng batas.

Iisa ang itinuturong rason ng mga pulis: pumalag ang mga drug pusher, kaya sila binaril.

Nitong Sabado, apat ang sunod-sunod na napatay nng iba’t ibangg yunit ng PNP sa Antipolo, Bulacan, at Laguna.

Ini Villegas, sadyang nakaaalarma ang nagaganap na “vigilantism” ngayon sa bansa.

Ang nararapat na gawin, ayon kay Villegas, ay magtulong-tulong ang lahat laban sa kriminalidad na nakabatay sa paraang itinakda ng batas.

Ang Pilipinas ay napakaramiing batas upang laban ang krimen, kabilang na ang tungkol sa lahat ng uri ng ipinagbabawal naa gamot, ngunit pinaniniwalaang hindi naisasakatuparan ang mga ito nang tapat, kaya laganap ang samut-saring krimen sa bansa. (Bernard Badilla-Toledo)

You May Also Like