Walang mali sa sinabi ng Santo Papa – CBCP

MANILA — MATAPOS ang kontrobersyal na pahayag ng Santo Papa na diumano’y patungkol sa maling pokus ng maraming Katoliko sa mga isyu tulad ng aborsyon at kontrasepsyon, klinaro ng mga obispo ng Pilipinas na ipinaliwanag lamang ni Pope Francis ang halaga ng “charity” o pag-ibig sa kapwa, at wala itong binabago sa katuruan ng Simabahan tungkol sa mga isyung pro-life.

“There is no contradiction. He is not opposing any doctrine. He is only reminding us that perhaps what the world needs is our witnessing to charity,” ani Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines tungkol sa pakikipanayam kamakailan ng Santo Papa sa isang Heswitang peryodiko na naka-base sa Italya.

Sa nasabing panayam, ipinaliwanag ng Santo Papa na, ”Church’s pastoral ministry cannot be obsessed with the transmission of a disjointed multitude of doctrines”.

Ayon kay Lingayen - Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ang nais idiin ni Pope Francis sa kanyang panayam ay ang halaga ng isang “personal encounter with Christ” at wala itong nais baguhin sa katuruan ng Simbahan tungkol sa aborsyon o kontrasepsyon.
Ayon kay Lingayen – Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ang nais idiin ni Pope Francis sa kanyang panayam ay ang halaga ng isang “personal encounter with Christ” at wala itong nais baguhin sa katuruan ng Simbahan tungkol sa aborsyon o kontrasepsyon.

Sa kabila ng kakaibang interpretasyon ng mga pahayagan at midyang pangmasa sa ibig sabihin ng mga pahayag ni Pope Francis, para kay Palma, ito ay nagpapatotoo lamang sa importansya ng dalawang aspeto ng pananampalatayang Katoliko, ang doktrina at ang malasakit sa kapwa.

“So I am very happy with what he said and I do not see any opposition to the existing doctrines of the Church,” ayon kay Palma.

“We know that the teachings are one important aspect of the Church but witnessing to love is also the challenge that people want to see in us,” dagdag pa nito.

Ayon naman kay Archbishop Socrates Villegas of Lingayen-Dagupan, vice president ng CBCP, na sumang-ayon din sa pahayag ni Palma, ang pangunahing hiling ng Santo Papa ay ang bawat tao ay magkaroon ng “personal encounter with Christ”.
“Our behavior will follow from that friendship with Christ. Our value system and attitude will follow from knowing Christ,” paliwanag ni Villegas.

“He did not rebuff the strong opposition to contraception, abortion, or homosexual marriage. He just set it on proper grounding,” dagdag pa nito.

Matatandaang ang isyu ng birth control ay naging paksa ng mainit na talakayan at debate, lalong lalo na ang naipasang Reproductive Health law na kasalukuyang naghihintay ng huling hatol sa Korte Suprema.

Ayon kay Palma, magpapatuloy ang pangangampanya ng Simbahan laban sa RH law, dahil naniniwala itong hindi magbabago ang katuruan ng Simbahan tungkol sa aborsyon at kontrasepsyon.

“Pope Francis is telling us to be compassionate but it doesn’t mean that the Church will change its teachings,” ani Palma. “Do not expect that to happen.

You May Also Like