Walang gana mag-exercise? Ito ang kailangan mo!

INSTANT DUMBELLS! Di na kailangang bumili – i-recycle mo lang ang mga bote ng mineral water, juice o iced tea at lagyan ng mga bato. Meron ka nang gagamitin pang-exercise, nakamura ka pa!
INSTANT DUMBELLS! Di na kailangang bumili – i-recycle mo lang ang mga bote ng mineral water, juice o iced tea at lagyan ng mga bato. Meron ka nang gagamitin pang-exercise, nakamura ka pa!

“Ang init ng panahon.” “Wala akong kasama.” “Ang boring.” “Bibili pa ko ng sapatos na gagamitin.” “Malayo ‘yung gym/campus/court sa amin.” “Magastos.” Mga halimbawa ito ng mga dahilang ibinibigay kapag kailangan ngunit ayaw mag-exercise. Tinatamad ka lang ba? Hayaan mo—may mga praktikal na paraan kung paano ka gaganahan at hindi mawawalan ng gana sa pag-ehersisyo.
Sabi ni Ron Araneta, opisyal ng Philippine Navy na “self motivation,” o ang pagganyak sa sarili ang technique. Ang mag-set ng goal para sa iyong sarili ang kinakailangan, sabi pa ng ibang kasama niya. Kahit ba ‘yon ay ang target mong timbang, o kaya ay isang napag-tripang pustahan, o di kaya ay ang pagsagot ng nililigawan mo, ang importante ay mayroon kang layunin kung para saan ang ginagawa mo. Ito ang magtutulak sa iyo para determinado kang tapusin ang iyong sinimulan.

Paano nga ba hindi tatamarin sa pageehersisyo?

Magkaroon ng pangunahing layunin.

Kailangan ay mayroon kang isang matinding layunin na gusto mo talaga patunayan. Ang sabi naman ng nakausap naming regular na nageehersisyo na si Raymond Go, “Syempre dapat may goal ka na maging healthy.”
Ibahin ang iyong pananaw.

Itigil na ang pag-iisip ng “hindi ko ‘to kaya” dahil kaya mo ‘yan! Sabi nga ni Cyrian Agujo, isang regular na nag-e-ehersisyo, “Magpapatalo ba ako sa katamaran? Tsaka pag nakikita ko ang picture ko dati na para akong stick insect [mas lalo pa akong ginaganahan mag-ehersisyo].” Maganda rin ang magpaskil sa lugar na palagi mong makikita ng mga larawan mo noon bago ka nagsimulang mag-ehersisyo, dahil dito, makikita mo ang dahilan kung bakit ka nagsimula at ano ang gusto mong marating.

Ayusin ang iskedyul.

Sabi ng isang regular na basketbolista na si Dicktracy Nicomedes, “Oras muna ang uunahin. Kung wala kang maayos na oras, paano ka mag-e-exercise?” Dapat ay meron kang sapat na oras para sa pag-e-ehersisyo at pagpapahinga, para wala kang dahilang umayaw.

Mag-enjoy!

“Make it fun!” payo ni Kelvin Mateo, isang mixed martial arts athlete. Kahit nahihirapan na, mag-enjoy ka pa rin at bale-walain ang mga naiisip na “ang hirap naman, ayaw ko na” dahil wala kang matatapos kung ganyan. Dapat lahat magaan; huwag masyadong seryosohin! Siyempre, unang-una ay pumili ka ng sport o aktibidades na gusto mo na talaga o kaya gusto mong matutunan.

You May Also Like