Wala nang Kokontra sa Pagtaas ng SSS Pensyon

 

ATTY. AMADO VALDEZ: Para sa interes at kagalingan ng mgga manggagawa pabor ang Social Security System (SSS) sa pagtaas ng pensyon ng mga retiradong manggagawang kasapi ng SSS.
ATTY. AMADO VALDEZ: Para sa interes at kagalingan ng mgga manggagawa, pabor na ngayon ang Social Security System (SSS) sa pagtaas ng pensyon ng mga retiradong manggagawang kasapi ng SSS.

Ni: Jan Sinocruz

 

SANA ay huwag nang patagalin ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang pagpasa sa panukalang batas na magdaragdag ng P2,000 sa buwanang pensyon ng mga retiradong manggagawa na kasapi ng Social Security System (SSS).

Ito’y dahil kung ang SSS ang tatanungin, hindi na sila tutol ngayon sa pagtataas.

Ayon kay Senador Richard Gordon, sa Disyembre ay tiyak na pasado na sa Senado ang mungkahing batas para maitaas ng P2,000 ang pensyon sa SSS.

Ganoon din ang banggit ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na Disyembre rin maipapasa ang katapat na panukalang batas sa Kamara del Representantes.

Kung pabor na pabor ang pamunuan ngayon ng SSS sa pagtaas, bakit sa Disyembre pa ipapasa ng Kongreso, tanong ng mga samahan ng mga manggagawa tulad ng Federation of Free Workers (FFW), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), at Associated Labor Unions (ALU).

Bakit hindi ngayong Nobyembre na?, karugtong nilang katanungan.

Sa panahon kasi nina Social Security Commission (SSC) chairman Juan Santos at SSS president at chief executive officer Emilio de Quiros Jr. ay tahasang tutol ang SSS sa umento sa pensyon ng mga retiradong manggagawa.

Ngayong si Amado Valdez na ang SSC chairman ay todo-todong pabor ang SSS sa nasabing pagtaas.

Sa kasalukuyan, ang pensyon ng mga manggagawang 20 taong kasapi ng SSS ay P2,400 kada buwan ang pensyon.

Samantalang ang mga manggagawa na 10 taon lamang kasapi ng SSS ay P1,200 ang natatanggap bawat buwan.

Sabi ni SSS assistant vice-president Luisa Sebastian, pabor na pabor na ngayon ang SSS sa umento ng pensyon.

Ang pahayag ni Sebastian ay kompirmasyon sa naunang anunsyo ni Valdez na tutupad ang SSS sakaling ipasa ng Kongreso ang panukalang pagtaas sa buwanang pensyon ng mga retiradong manggagawa na kasapi ng SSS.

Sa kasaluyan, nagsasagawa ng konsultasyon ang SSS sa mga kasapi ng ahensya upang makagawa ng mga kongkretong mekanismo sa pgpapatupad ng umento nang hindi maaapektuhan ang ibang mga kasapi ng ahensya.

Ang positibong posisyon ng SSS sa pamumuno ni Valdez ay tugma sa kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ang pensyon ng mga retiradong manggagawa upang madagdagan ang pangtustos sa kanilang mga gamot at iba pang pang-araw-araw na mga pangangailangan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like