WALA NANG EBIDENSYA SA GULO SA BILIBID?

 

NAMATAY O IPINAPATAY?: Ito ang tanong na dapat masagot sa pagkamatay ni Tony Co sa naganap umanong gulo sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). (Rafael Taboy)
NAMATAY O IPINAPATAY?: Ito ang tanong na dapat masagot sa pagkamatay ni Tony Co sa naganap umanong gulo sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). (Rafael Taboy)

Ni: Roy Bersales

 

DAPAT malaman ng mamamayan ang tunay na pangyayari hinggil sa naganap na “gulo”  umano sa New Bilibid Prison (NBP) sa Lungsod ng Muntinlupa ngayong Miyerkules ng umaga na nauwi sa pagkamatay ng isa drug lord at pagkasugat ng ilan pang drug king pin.

Ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng krimen, kabilang na ang ‘riot,’ ay ang mismong pinangyarihan ng krimen.

Ayon sa mga beteranong police reporter, ‘susi’ ang “scene of the crime” sa pagtukoy kung sino, o sinu-sino, ang mga suspek.

Kaya, dapat hindi ‘kagyat na nililinis’ ang pinangyarihan ng krimen sa NBP upang malaman kung sino ang sumaksak at nakapatay kay Tony Co at nakasaksak kina Peter Co, Jayvee Sebastian, Vicente Sy, at Clarence Dongail.

Itinakbo sina Co at Sebastian sa Muntinlupa Medical Center, samantalang si Sy ay dinala sa Ospital ng Muntinlupa.

Hindi naman pumayag si Dongail na magpahatid sa ospital.

Ayon sa ulat sa mga radyo bago mag-alas 5:00 ng hapon, ligtas at nasa maayos na kalagayan na ang mga sugatang bilanggo.

Ayon sa rekord, sina Co, Sebastian, Sy, Dongail, at ang namatay na si Tony Co ay itinuturing na mga “high-profile inmate” dahil sa klase ng mga kaso na kanilang binubuno sa  pambansang piitian.

Sina Peter Co at Sebastian na kapwa kabilang sa “Commando Gang” ay mga kilalang drug kingpin.

Si Co ay tinumbok na dati ni Pangulong Rodrigo Duterte na pangunahing drug king pin ng bansa.

Pumapangalawa si Herbert Colanggo kay Co.

Si Sebastian na tinukoy ding drug kingpin ay sinalo kamakalain ni Senadora Leila de Lima kung saan idiniin niyang ‘tao’ ng gobyerno ito sa NBP laban sa mga drug kingpin.
Ayon sa inulat nina Justice Secretary Vitaliano Aguirre II at hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) Rolando Asuncion na si Tony Co raw ang pasimuno ng gulo at ito ay nangyari makaraang saksakin daw nito si Dongail na nauwi sa gulo hanggang mapatay si Co.

Nangyari ito nang sitahin daw ni Dongail si Sy sa paggamit nito ng iligal na droga sa kitchen ng Building 14.

Tamang-tama raw na naroon sina Sebastian at Tony Co hanggang si biglang nagkagulo na.

Ayon pa sa ulat nina Aguirre at Asuncion, hindi tumagal ng isang minuto ang gulo dahil inawat na sila ng mga Special Action Force (SAF) na nagbabantay sa NBP.

Sabi ng mga imbestigador, nakita nila ang ice-pick na ginamit sa pananaksak, mga dugo sa sahig, at duguang kumot.

Hindi ikinuwento nina Aguirre at Asuncion ang tungkol sa mismong pinangyarihang ng krimen na siyang ‘magsasalita’ ng totoong kaganapan.

Naganap ang gulo na itinuturing na malaking isyu, sapagkat pambihirang pangyayari na ang mga bigtime drug kingpin ay nasanggkot sa gulo habang nasa panahong iniimbestigahan ng Kamara del Representantes ang NBP.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like