Wakasan na ang mapanirang pagmimina!

TODO-SUPORTA: Pinangunahan ni Nueva Viscaya Gob. Carlos  Padilla (pangalawa mula sa kaliwa) ang pagsuporta sa panawagan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) na palitan ng Kongreso ang Republic Act No. 7942 ng panibagong batas na magsisilbing gabay sa pamakbuluhan at maka-mamamayang pagmimina sa bansa. (Rafael Taboy)
TODO-SUPORTA: Pinangunahan ni Nueva Viscaya Gob. Carlos Padilla (pangalawa mula sa kaliwa) ang pagsuporta sa panawagan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) na palitan ng Kongreso ang Republic Act No. 7942 ng panibagong batas na magsisilbing gabay sa pamakbuluhan at maka-mamamayang pagmimina sa bansa. (Rafael Taboy)

Ni: Marites Badilla

 
NANAWAGAN ang Alyansa Tigil Mina (ATM) sa mga Senador at Kongresista na palitan na ang umiiral na batas hinggil sa pagmimina sa bansa.
 
Ayon sa ATM, “nitong nakalipas na dalawang dekada, ang Republic Act 7942 ay nauwi lamang sa panggagahasa at pandarambong ng lupa at yamang mineral ng bansa.”
 
Kaya, tahasang nanawagan ang ATM sa Kongreso na palitan na ang RA 7942 ng panibagong batas na siyang maggagabay sa makabuluhan at maka-mamamayang Pilipino na sistema ng pagmimina sa bansa.
 
Ang panawagan ng ATM ay lumilitaw ‘panlaban’ sa isasagawang International Mining Conference and Exhibit na iisponsor ng Chamber of Mines of the Philippines (COMP).
 
Ang tema ng konperensiya ay “Realizing the potentials of the Mining Industry in a New Regime.”
 
Magaganap ang konperensiya sa Maynila mula Agosto 23 – Agosto 25.
 
Gusto ng ATM na palitan na ang RA 7942 dahil wala naman itong naitulong sa gross domestic product (GDP) at pagkakaroon ng karagdagang trabaho sa bansa.
 
Sa datos ng Ibon Foundation, umaabot lamang taun-taon ang ambag nito sa GDP na 0.6% – 0.7% at sa pagbibigay nagtrabaho na 0.6%.
    
Hangad ng ATM na ipasa ang mungkahing Philippine Mineral Resources Act (Alternative Minerals Management Bill).
 
Ang mga naghain sa Kamara del Representantes ng iba’t bang bersiyon ng AMMB ay sina Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, at Akbayan Rep. Tom Villarin.
 
Sa Senado, plano ni Sen. Risa Hontiveros na maghain sa Huwebes.
 
Bagamat hindi na siya mambabatas ngayon, todo-suporta naman si Nueva Viscaya Carlos Padilla sa ipinaglalaban ng ATM.
 
“The bill presents a sustainable, need-based rational minerals management policy framework geared towards the effective utilization of out mineral resources and ensures equitable sharing of benefits for the state, IPs and local communities,” paliwanag ng ATM.
 
Balak ding resolbahan ng nasabing panukalang batas ang mga butas at kamalian ng RA 7942.

You May Also Like