Vigilante groups, Bubuhayin vs Drug Lords

Ibinunyag ng bagong hepe ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na muling bubuhayin ang dalawang dating matitikas na vigilante group ng Mindanao upang makatulong sa pagbira sa drug lords at mga tauhan nito.
 
Idiniin pa ni Sec. Ismael “Mike” Sueno na ang pagbabalik sa “Alsa Masa” at “Nakasaka” ay aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Ipinaliwag pa ng kalihim sa isinagawang turn-over ceremony ng pamunuan ng DILG ngayong umaga ng Lunes na siguradong magiging epektibo ang Alsa Masa at Nakasaka.

 

 

 
Ang dalawang nabanggit na grupo ay notoryus sa pagpatay ng mga kadre ng Communist Party of the Philippines (CPP) at kasapi ng New People’s Army (NPA) noong huling bahagi ng 1980s at unang kalahating bahagi ng 1990s.
 
Ngunit, inakusahan ng mga komunistang organisasyon na ang nasabing dalawang vigilante groups ay instrumento ng pamahalaan noon upang wasakin ang mga kaliwang puwersa.
 
Ipinaalala ni Sueno na notoryus ang Alsa Masa at Nakasaka noong kasikatan ng mga ito, ngunit sa muling pagbuhay ng dalawa ay hindi na ito hahawak ng armas.
Hindi na sila papatay sa pagkakataong ito, kundi sila ay magsisilbing “maniniktik” laban sa mga drug lord, paliwanag ni Sueno.
 
Ngunit, kahit ganito ay tiyak na magiging kapaki-pakinabang ang Alsaa Masa at Nakasaka, tugon ni Sueno.
 
Sa ganitong punto, lumilitaw naa maging ang DILG ay magiging aktibo sa paglaban sa droga, bukod pa sa tinatrabaho na ito ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni Director-Genera Ronald “Bato” dela Cruz. (Joel O. Amongo)

You May Also Like