Victory Liner, Inatasang Bayaran ng P200K Bawat Patay na Biktima

 VICTORY PARA SA LIMANG PATAY: Makakatanggap ng tig-P200,000 bawat pamilya sa limang namatay na mga pasahero ng Victory Liner Inc. noong Hulyo 10 sa Nueva Ecija, alindunod sa atas ng Land Transportation and franchising Regulatory Board (LTFRB). Maging ang mga sugatang biktima ay makatatanggap din, banggit ni Ariel Inton Jr.. Ngunit ang halaga nito ay depende sa sugat na natapo. Kung mamala ay malaki ang matatanggap, ngunit ung maliiit ay maliit din. (Rafael Taboy / Mon Estabaya)
VICTORY PARA SA LIMANG PATAY: Makakatanggap ng tig-P200,000 bawat pamilya sa limang namatay na mga pasahero ng Victory Liner Inc. noong Hulyo 10 sa Nueva Ecija, alindunod sa atas ng Land Transportation and franchising Regulatory Board (LTFRB). Maging ang mga sugatang biktima ay makatatanggap din, banggit ni Ariel Inton Jr.. Ngunit ang halaga nito ay depende sa sugat na natapo. Kung mamala ay malaki ang matatanggap, ngunit ung maliiit ay maliit din. (Rafael Taboy)

Ni: Joel O. Amongo

INAASAHANG babayaran ng pamunuan ng Victory Liner, Inc. ng P200,000 ang pamilya ng bawat isang namatay sa aksidenteng kinasangkutan ng kumpanya nitong Hulyo 10 sa Nueva Ecija.

Ayon kay Ariel Inton Jr., isa sa dalawang commissioner ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB), nagpasya ang LTFRB Board sa pangunguna ni Martin Delgra 3rd na atasan ang pamunuan ng Victory Liner Inc. na bayaran nito ng P200,000 bawat isang pamilya sa limang namatay sa kinasangkutan nitong insidente.

Bukod sa mga namatayan, dapat bayaran din ng Victory Liner maging ang 30 pasaherong nasugatan, saad ni Inton.

Ang atas na ito ng LTFRB ay iba pa sa 30-araw na preventive suspension order sa 17 yunit ng Victory Liner at pagkumpiska ng mga plaka ng nasabing 17 yunit.

Lima ang namatay at 30 ang sugataan sa aksidenteng naganap nitong Hulyo sa Nueva Ecija dahil biglang bumangga ang isang yunit ng Victory Liner.

Kaya, higit P1 milyong ang danyos perwisyo ang ibabayad ng Victory Liner sa mga biktima sa pamamagitan ng insurance company na may kontrata rito.

Idiniin ni Inton na mahalaga sa bus company na mayroon itong insurance dahil sa sandaling maaksidente ito ay nakatitiyak ang mga pasahero na may makukuha silang kabayaran sa pinsala na kanilang natamo.

Inilinaw din ni Inton na huwag  magtaka kung mayroon pang mga yunit ng Victory Liner na nakabibiyahe, sapagkat hindi lahat ng yunit nito ay binigyan ng preventive suspension order.

“Labingpitong bus lamang ang suspendido,” tugon ni Inton.

 

 

Inamin ni Inton na masalimuot ang Victory Liner, sapagkat marami itong prangkisa.

Liner kaya ang ibang bus nito ay nakakabiyahe pa hanggang sa kasalukuyan.

Ani Inton, huwag nang mag-alala ang mgaa pasaheo, dahil “Yung kasama sa suspension order na 17 bus ay hawak na namin ang kanilang mga plaka dahil i-sinurender na sa min ng Victory Liner.”

Sa Hulyo 20 ay mayroon pang pagdinig ang LTFRB hinggil sa kaso upang matukoy kung anu-ano pa ang mga posibleng pagkakamali ng Victory Liner.

You May Also Like