‘VERY GOOD DIGONG’

 

Pangulong RODRIGO DUTERTE
Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE

Ni: Denz Laguipo

 

NAKAKUHA ng 76% satisfaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang sarbey ng Social Weather Station (SWS).

Ang tanong ng SWS sa 1,200 katao sa sarbey mulaa Setyembre 24 hanggang 27 ay kung satisfied sila sa performance ni Duterte sa unang tatlong buwan nito sa Malakanyang.

Ang 1,200 katao na ginagamit na bilang sa pagsasagawa ng sarbey dahil eksakto ito batay sa bilang ng populasyon, ayon sa mga istatistisyan.

Ang 76 porsyentong marka ni Duterte ay satisfaction ng 76 porsyento ng 104 milyong mamamayan sa mga desisyon, ginawa, at mga pahayag ni Duterte.

Ang marka ni Duterte ay hindi nakatuon sa kampanya laban sa iligal na droga na masyadong kontrobersyal dahil halos 2,000 ang pinatay ng hindi mga kilalang kalalakihan, sapagkat walang tanong tungkol dito.

Iba pa ang mahigit 1,000 namatay na mga drug dealer sa buy-bust operation ng mga pulis sa iba’t ibang panig ng bansa.

Hindi rin itinanong sa nabanggit na sarbey ang tungkol sa serye ng atake ni Duterte sa Estados Unidos ng Amerika.

Sa parehong sarbey, 11% ang hindi satisfied sa mga pahayag, desisyon, at ginawa ni Duterte.

Labingtatlong porsyento ang hindi nagbigay ng marka.

Si Duterte ang ikalawang Pangulo ng bansa na malaking marka ang nakuha sa loob ng unang tatlong buwan ng panunungkulan.

Ang una ay si Pangulong Fidel V. Ramos na nakakuha ng 80%.

Si Ramos ay naging Pangulo noong Hunyo 30,1992 hanggangg Hunyo 30,1998.

Isa si Ramos sa nagpursige upang tumakbong Pangulo si Duterte.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like