Uulanin ng reklamo ang COMELEC – dating commissioner

lagman

MAAARING ulanin ng reklamo ang Commission on Elections (COMELEC) kasunod ng mga naitalang aberya sa nakalipas na halalan, ito ang nakikita ni dating Commissioner Agusto Lagman.

“Ang tingin ko dito sa nakaraang eleksyon, parang may isang helpless na tao na nandito na ‘yung monster, pwedeng gawin ng monster kahit anong gusto niyang gawin sa taong ‘yun kasi walang ka-safeguard-safeguard,” ani Lagman.

Paliwanag pa ni Lagman, dahil sa kawalan ng safeguard maaring manipulahin ang halalan.

Ayon kay Lagman, hindi na dapat gumamit ng PCOS machine sa susunod na halalan 2016.

Aniya mas mainam gumamit ng “manual sa presinto pero electronic transmission at automated ang canvassing”.

You May Also Like