Utang ng PH, Tumaas ng 89%

 

BILYU-BILYONG PAMBAYAD SA UTANG:  Buwan-buwan ay bilyun-bilyon ang ibinabayad ng pamahalaan sa utang ng Pilipinas sa mga dayuhan at lokal na mga pampinansyang institusyon att bangko, ngunit walang pondo upang bigyan ng kabuhayan ang halos 30 milyong mahihirap na mga Pilipino.
BILYUN-BILYON ANG PAMBAYAD SA UTANG: Buwan-buwan ay bilyun-bilyon ang ibinabayad ng pamahalaan sa utang ng Pilipinas sa mga dayuhan at lokal na mga pampinansyang institusyon at bangko, ngunit walang pondong maibigay bilang kapital sa maliit na kabuhayan na puwedeng simulan ng halos 30 milyong mahihirap na mga Pilipino kaysa mamulot nang mamulot ng basura upang makatawid sa gutom.

Ni: Roy Bersales

 

UMABOT sa P46.76 Bilyon ang binayaran ng pamahalaan na utang ng Pilipinas sa mga dayuhan at lokal na pampinansyang institusyon at bangko nitong Agosto, ayon sa Bureau of Treasury (BTr).

Ito ay mataas ng 89 porsyento mula sa P24.53 Bilyon na binayaran sa parehong buwan nitong 2015, ayon pa rin sa datos ng BTr.

Ang binayarang P46.76 Bilyon ay mababa kaysa nitong Hulyo na umabot sa P66.57 Bilyon.

Sa binayarang ito ng pamahalaan sa mga dayuhan at lokal na pampinansyang institusyon at bangko nitong Agosto, P23.44 Bilyon ang interes (tubo ng mga nagpautang).

Noong Agosto 2015, P16.45 Bilyon ang binayarang interes, batay pa rin sa BTr.

Umabot naman sa P40.02 Bilyon ang binayarang interes nitong Hulyo.

Ang binabayarang interes sa utang ng pamahalaan kada buwan ay bahagi ng pambansang badyet ng pamahalaan na pinaaaprubahan sa Kongreso kada taon.

Nangangahulugang hindi pupuwedeng takasan ng pamahalaan ang utang ng Pilipinas sa mga dayuhan at lokal na pampinansyang institusyon at bangko.

At ang ipinambabayad sa mga utang na ito ay galing sa buwis na ibinabayad ng mga negosyante at mamamayan sa pamahalaan.

Ang perang inutang ng pamahalaan nitong mga nakalipas na taon ay ipinangtustos sa mga proyekto ng pamahalaan.

Palaging idinidiin ng Freedom from Debt Coalition (FDC) na hindi dapat bayaran ang mga utang na hindi napakinabangan ng mamamayan at iyong mga proyektong pinagkakitaan ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan at pulitiko.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like