USS Guardian natanggal na saTubbataha

 Hindi pa matukoy ang kabuuang danyos na kailangang bayaran ng U.S. para sa nasirang corales sa Tubbataha reef.
Hindi pa matukoy ang kabuuang danyos na kailangang bayaran ng U.S. para sa nasirang corales sa Tubbataha reef.

NAGTAPOS na ang apat na buwang pagkakabahura ng USS Guardian sa mga corales ng isa sa pitong world site heritage sa bansa na Tubbataha Reef matapos na tuluyang matanggal ito sa pamamagitan ng salvaging o pagpira-piraso sa nasabing barko na pinagtulungan ng mga pamahalaan ng Estados Unidos at Pilipinas.

Ayon kay Lt. Grenata Jude ng Philippine Coast Guard (PCG), maayos at maingat ang isinagawang salvaging sa barko upang matiyak na ‘di na lalawak pa ang napinsala ng corales sa Tubbataha.

Ang huling natanggal ay ang stern ng US Minesweeper na ngayon ay tinutukoy na din ang kabuuang haba ng napinsalang corales upang matukoy para sa babayarang danyos ng U.S. government.

Umabot naman sa 68 metro ang haba ng barko o katumbas ng 223 talampakan kaya’t asahan anya na mas malaki dito ang haba ng pinsala sa mgacorales.

Matatandaan na Enero17, 2013 nang mabahura saTubbataha reef ang nasabing barko sa isa sa ideneklarang UNESCO na world heritage site sa Pilipinas.

You May Also Like