Tumaas ang Marka ng Pilipinas sa Pangungutang

 

 

Ni: Marites Badilla

 

TUMAAS sa “A1” ang kapasidad ng Pilipinas na mangutang at magbayad ng utang.

Ayon sa RAM Ratings, isang kumpanyang nakabase sa Malaysia na ang trabaho ay magbantay ng kapasidad ng mga bansa sa Asya na makautang at magbayad ng utang, ang kakayanan ng Pilipinas na mangutang ay limang puntos mula sa “minimum investment grade.”

Nabigyan ng mataas na marka ang Pilipinas dahil sa reporma sa administratibo, pagkakaroon ng mga bagong batas, at kayang tumindig ng bansa sa kabila ng masyadong magalaw na sitwasyon sa ibang bansa, saad ng RAM Ratings.

Sabi pa ng RAM kahanga-hanga ang mga repormang nagaganap sa Pilipinas, kaya nakakuha ito ng A1.

Tinukoy ng RAM na ang Right of Way Act at pag-amiyenda sa Build Operate Transfer Law ay inaasahang mareresolbahan ang bara sa pagsasagawa ng mga imprastrakturang proyekto ng pamahalaan.

Dahil sa dalawang batas, magkaroon ng malinaw na ligal na gabay ang bansa sa pagbili ng mga ari-arian para sa imprastrakturang proyekto, patuloy ng nasabing organisasyon.

Ang isa pang positibong pagbabagong nakita ng RAM ay ang Executive Order hinggil sa Freedom of Information na nakapagdagdag ng lakas sa larangan ng pamamahala at pagpapakita ng transparency sa pamahalaan.

Idniin ng RAM na ang mga pagbabagong itinulak ng pamahalaan ay malaki ang maitutulong sa implementasyon ng 10-puntong socioeconomic agenda ng administrasyong Duterte.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like