Tuloy ang Kasong Korapsyon ni Vitangcol, 5 pa ng PH Trams

 

AL S. VITANGCOL
AL S. VITANGCOL

Ni: Roy Bersales

 

TULOY ang paglilitis ng Sandiganbayan sa kasong korapsyon ng dating namamahala ng  Metro Railway Transit 3 (MRT – 3) at lima pang mga kasama sa kasong kriminal.

Sa 12-pahinang desisyon ng ika-3 Dibisyon ng Sandiganbayan, ibinasura nito ang mosyon ni Al S. Vitangcol III, dating hepe ng MRT – 3.

Kasama sa kaso ang mga opisyal at incorporators ng Philippines Trans Rail Management and Services Corp. (PH Trams) na sina Arturo Soriano, Wilson De Vera, Marlo dela Cruz, Manolo Maralit, at Federico Remo.

Sa parehong desisyon, idiniin ng ika-3 Dibisyon ng Sandiganbayan na walang merito at batayan ang mga argumento ni Vitangcol, kaya nagpasya ang nasabing korte na ibasura ito.

Ang pagbasura ay malinaw na tuloy na tuloy na ang paglilitis sa kaso nina Vitangcol.

“First, the Motion to Quash can be denied outright as it was filed after the accused has been arraigned. Accused Vitangcol’s failure to file a Motion to Quash prior to his arraignment constitutes a waiver of any objections,” paliwanag ng korte.

Si Vitangcol ay napatunayan ng Office of the Ombudsman na nakialam sa pagbibigay ng kontrata sa PH Trams at CB and T joint venture para sa pagmimintina ng MRT – 3.

Sabi ng Office of the Ombudsman, nakipagkutsabahan si Vitangcol sa mga opisyal ng PH Trams.

Sa kontrata ng MRT – 3 at PH Trams-CB and T, babayaran ng MRT – 3 ang PH Trams-CB and T ng $1.15 Milyon kada buwan para sa pagmimintina ng MRT – 3.

Idiniin ng Office of the Ombudsman sa kasong isinampa nito sa Sandiganbayan na si Vitangcol ay mayroong indirektang pampinansyang interes sa kontrata, sapagkat si Soriano ay tiyo ng kanyang asawa.

Masama ang loob ni Vitangcol sa Office of the Ombudsman, sapagkat hindi isinama sa kasong kriminal si dating Transportation Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, mga kasapi ng Bids and Awards committee, at mga kasapi ng Negotiating Team for the Interim Maintenance Contract at ang Task Force na nagrebyu ng kontrata.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like