Tulong sa drug users sa QC, Tiniyak ng lokal na pamahalaan

TINIYAK ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na tutulungan nito ang mga drug addict na sumuko sa pulisya nitong nakalipaas na mga araw.

Sa talaan ng Quezon City Police District (QCPD), higit 1,000 libo na ang mga drug addit na sumuko mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Ayon kay Vice-Mayor Joy Belmonte, pag-aaralan nang husto ng lokal na pamahalaa kung paano matutulungang maging normal muli ang uhay ng mga drug addict dahil hindi sapat ang pasilidad ng lungsod para sa kanila.

Ang drug rehabilitation center ng Quezon City ay humigit-kumulang na 200 lamang ang kapasidad nito, banggit ni Belmonte.

Ngunit, tiniyak ni Belmonte na hindi pababayaan ang mga biktima ng ipinagbabawal a gamot upang maiayos ang kanilang buhay. (Belle Orlina)

 

Propellerads

You May Also Like