‘Tulisan’ sa NBI, Matatapos din ang mga Maliligayang Araw

WALANG SASANTUHIN SA NBI: Kasama sa mga ahensiya ng pamahalaan ang National Bureau of Investigation (NBI) ang lilinisin mula sa talamak na katiwalian at korapsiyon. Inamin ng bagong NBI direktor na si Atty. Dante Gierran na posibleng napakaraming tulisang naghahari-harian at nagsisiga-sigaan sa NBI. (Jay-Ar Son)

HALOS inamin ng bagong direktor ng National Bureau of Investigation (NBI) na matagal nang namamayagpag ang mga ‘tulisan’ sa nabanggit na ahensiya.

Ngunit, hindi agad ibubunyag ni NBI Director Dante Gierran ang kanilang mga pangalan sa media.

Ani Gierran, pina-iimbestigahan na niya ang mga naghahari at nagsisiga-sigaan sa NBI at saka sasampahan ng kaso sa Department of Justice (DOJ).

Saka pa lamang ilalantad ng direktor ang kanilang mga pangalan.

Kung naatunayang malakas ang ebidensiya laban sa kanila ay pihadong itutuloy ang kaso sa korte, tugon ni Gierran.

Ang desisyon ng bagong pinuno ng NBI ay alinsunod sa atas ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang buong bukukrasya mula sa mga tiwali at magnanakaw na mga opisyal at kawani nito, kabilang ang NBI.

Ilang taaon na rin na maugong na maugong ang paghahari ng mga ‘tulisan’ sa NBI.

May pangkat umano sa NBI na ang larga ay pangongotong sa mga iligalidad sa bansa. (Tapat News Team)

You May Also Like