Tsina, may bagong tala ng bird flu virus

CHINA—Kinumpirma ng bansang Tsina ang dalawang klase ng bagong bird flu virus sa Shanghai.

Sa ngayon, mayroon na namang labing-walong kaso ng impeksiyon ng H7N9 strain kung saan, anim na katao na ang namatay at ayon sa World Health Organization (WHO), may walo pang kaso ang malala.

Bilang tugon, pinalawak ng mga awtoridad sa Tsina ang pag-ban sa mga manok na pangkalakal sa lungsod ng Nanjing at sa Shanghai.

Ang H7N9 strain ay isang uri ng bird flu na hindi pa nakabiktima ng tao. Iba ito sa H5N9 bird flu na kumitil sa buhay ng 360 katao sa buong mundo matapos itong matagpuan sa tao noong 2003.

You May Also Like