Triathlon tampok sa Guimaras Manggahan Festival

story 4-Guimaras triathlonPaiigtingin ng 2nd Mango Man Triathlon ang  20th Manggahan Festival sa Guimaras.

Ang taunang festival ay tatakbo mula Abril 8 hanggang 21 at ang triathlon ay gaganapin sa Sabado, Abril 13.

Mag-uumpisa ang 2nd Mango Man Triathlon sa mala-paraisong Raymen Beach sa Alubihod, Nueva Valencia.  Ito ay may Olympic standard distance na 3K swim, 40K bike at 10K run para sa  solo at relay categories.

Sa bike at run leg naman masisilayan ng mga kalahok ang iba pang magagandang tanawin ng probinsiya.

Bukod sa triathlon ay magiging bahagi rin ng Manggahan Festival ang 3rd Manggahan Fun Run at ang kauna-unahang national darts tournament sa Guimaras kung saan matatagpuan ang pinakamatamis na mangga sa buong mundo.

Ang fun run ay gaganapin sa Abril 13 sa Provincial Capitol grounds, samantalang and darts competition ay lalarga sa Abril 19 sa GTIC Hall.

Si Gov. Felipe Hilan Nava, M.D. ang inimbitahang magpapaputok ng baril bilang hudyat sa pagsisimula ng fun run, samantalang ang race director na si Pyr Jimenez naman ang kakalabit sa starting gun sa 2nd Mango Man Triathlon.

Ang triathlon at fun run events ay pinangangasiwaan ni Teresita G. Siason sa pakikipagtulungan sa overall chairman ng 2013 Manggahan Festival na si Atty. Elijo Sharon H. Bellones.

Tumutulong rin sa tatlong sports events na ito ang Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Philippine Army, Philippine Red Cross, Department of Public Works and Highways, at ang local government unit ng Guimaras.

You May Also Like