Thou shall not bear false witness against thy neighbor

The DreamerIto marahil ang pinaka nilabag sa mga Ten Commandments ngayong eleksyon … bearing false witness. Ipinagmamalaki pa naman natin na Catholic country tayo. Tapos, ganito kadumi ang pulitika sa atin?

Bakit ba kailangan pang humantong sa ganito ang kampanya? Bakit kailangang magsinungaling at manira ng kapwa?
Hindi ba sapat ang galing at abilidad ng kandidato? Hindi ba siya mananalo kung ipaliwanag lamang niya ang kanyang plataporma?

Kailangan ba talaga ang dirty tricks? Ipinagmamalaki mo pa yung ginawa mong demolition job? Hindi ba nagsasalamin ng iyong budhi ang black propaganda na ginagawa mo?

Paano yung mga taong pinagkaingatan talaga nila ang kanilang pangalan? Sisirain mo ng basta ganun na lamang?

Ilang biktima na kaya ang nagpakamatay dahil sa paninira ng kanilang pagkatao? Ilang pamilya na rin ang nasira dahil sa malisyosong paratang.

Kung sabagay, si Kristo nga mismo biktima ng mga sinungaling na nagpaparatang. At kahit pa bumalik siya ay andiyan pa rin ang masamang gawaing ito.

Totoong ganyan talaga ang kalakaran. Pero bakit kailangan mong gawin? Kung labag sa iyong prinsipyo o pananampalataya, eh bakit mo ginagaya?

Buti na lamang mapalad ako dahil desente ang aking mayor at hindi siya ‘yung tipo na walang pakundangan sa paninirang puri para lamang manalo. Pero iba pa rin talaga ang masalimuot na mundo ng pulitika. Ang bigat sa katawan – agaw-lakas. Nakaka-low batt.

Maaaring ituring ninyong panaginip, pero, hindi ba pwedeng baguhin natin ang kalakaran?

Kaso, hindi sapat ang managinip lamang. Dapat ay kumilos tayo para mabago ang kalakaran. Natural, handa dapat tayo sa anumang epekto ng ating aksiyon.

Para mabago ang kalakaran sa pulitika, kailangan na may maglakas-loob. Kailangan na may magsakripisyo.
Ano ‘yon? Ayaw mong mawalan ng trabaho?

Ikaw talaga! Mortal sin ‘yang ginagawa mo. Magbagong buhay ka na.

You May Also Like