TESTIMONYA NI MATOBATO, IBINASURA

 

 

Ni: Marites Badilla

 

WALANG naganap na pagdinig ngayong Martes ang Senate Committee on Justice hinggil sa extra judicial killings (EJKs), ngunit nagkaroon ng mapagpasyang desisyon ang komite pabor kay Pangulong Rodrigo Duterte—ito ay ang pagbasura ng testimonya ni Edgar Matobato.

Sen. RICHARD GORDON
Sen. RICHARD GORDON

Sa closed-door meeting ng mga kasapi ng Senate Justice Committee na pinamumunuan ni Senador Dick Gordon, nagkasundo ang mayorya ng komite na opisyal nang hindi tinatanggap ng nasabing komite ang testimonya ni Matobato, sapagkat hindi magkakatugma ang kanyang pahayag simula nang magsalita siya sa komite.

EDGAR MATOBATO
EDGAR MATOBATO

Nangangahulugang kaduda-duda ang kanyang mga pahayag.

Kapag tinatanong si Matobato, madalas niyang sabihin na “basta totoo man lahat ‘yan.”

Tahasang ikinadismaya nina Senadora Leila de Lima at Antonio Trillanes IV ang desisyon.

Ang pinaka punto ng testimonya ni Matobato ay idiniin nito na ang ‘utak’ ng mga naganap

na pamamaslang sa Davao City mula 1998 hanggang 2014 ay si Pangulong Rodrigo Duterte habang siya ang akalde noon ng lungsod at ang kanyang anak na si Bise-Alkalde Paolo Duterte, samakatuwid si Pangulong Duterte rin ang utak sa mga naganap na EJKs sa buong bansa simula Hulyo 1.

Sa rekord ng Philippine National Police (PNP), mahigit 1,000 na ang biktima ng EJKs, o mga pagpatay na “under investigation.”

Sa parehong PNP rekord, mahigit 1,300 ang napatay ng mga pulis dahil sila ay nanlaban habang inaaresto sa pagsasagawa ng buy-bust operation.

Walang sumuporta sa mga pahayag ni Matobato kahit isa.

Walang nagtanggol sa kanya, maliban sina De Lima at Trillanes, ngunit kapus na kapos ang kanilang dokumentong susuporta sa kanilang pagtatanggol kay Matobato.

Ang pagkakabasura sa testimonya ni Matobato ay ikalawang panalo ni Duterte sa pulitikang nagaganap sa Senado.

Ang unang tagumpay ni Duterte ay nang mapatalsik si De Lima bilang chairperson ng Justice Committee.

Ipinalit sa kanya si Gordon.

Si Senador Panfilo Lacson ang naging vice-chairman ng komite.

Idiniin ni Lacson na positibo ang naganap, sapagkat marami pang mahahalagang isyu at usapin na dapat pagtuunan ng pansin ng Senado.

Ang nagsilbing mitsa sa pagkakabasura ng testimonya ni Matobato ay ang biglang pag-alis niya sa Senado nang walang paalam sa Justice Committee, partikular na kay Gordon.

Tingin ng mayorya ay binastos sila ni Matobato.

Tingin din ni Gordon ay binastos sila ni De Lima nitong Lunes, sapagkat itinatago nito ang kanyang “notes” hinggil sa kasong kidnapping ni Matobato.

Itinanggi ni De Lima ang akusasyon ni Gordon hanggang magwalk-out siya sa kainitan ng pagdinig sa Senado.

Kumbinsido si De Lima na siya ay “nagang-up” ng mayorya ng komite.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like