Tawi-tawi mayor, pinauwi na ng Malaysia

PINATUNAYAN ng Malaysia at Pilipinas ang pagkakaroon ng magandang relasyon nang pinagbigyan ng Malaysia ang hiling ng bansa na pauwiin ang mayor ng Tawi-tawi at mga taga-suporta nito.

Ani Pangulong Benigno Aquino III, “So I think that already signifies how good the relationships are between us and Malaysia.”

Paliwanag ng pangulo na imbes na pahirapan ng Malaysia ang pagpapauwi sa naligaw na Tawi-tawi mayor at mga kasama nito pagkatapos mapadpad ang sinasakyang barko sa Sabah, agad-agad pinahintulutan ni Malaysian Prime Minister Najib Razak ang pakiusap ng Pilipinas.

Patuloy pa din ang pag-aaral at paghahanap ng mga legal at makasaysayang batayan patungkol sa pagmamay-ari ng Pilipinas sa Sabah. [Rica Canon]

You May Also Like