Tatay ng 14-Taong-Gulang na ‘Runner’ ng Shabu, Patay

 

38Ni: Denz Laguipo

 

NAMATAY ang isang lalaking pinaniniwalaang tulak ng shabu sa Lungsod ng Caloocan ngayong madaling araw ng Linggo.

Ayon kay Supt. Ali Duterte, hepe ng Northern Police District – District Detection and Special Operation (NPD – DDSO), bukod sa pagtutulak ng shabu, si Armando Calungin ay ‘nirekrut’ rin ang kanyang anak na 14 na taong-gulang na maging ‘tulak’ ng iligal na droga at ginawa pang tirahan ng shabu ang isang bahagi ng kanyang bahay.

Nabaril si Calungin nang makipagbarilan sa operatiba ng DDSO sa loob ng kanyang bahay sa Barangay 31, diin ni Duterte.

Itinakbo pa sa ospital si Calungin, ngunit namatay din.

Ayon kay Duterte, nagsagawa ng buy-bust operation ang DDSO laban kay Calungin kung saan nakapagbigay na siya ng shabu sa pulis na nagbigay sa kanya ng P500.

Nang maamoy ni Calungin na pulis pala ang kliyente nya ay kaagad itong bumalik sa bahay niya, kaya hinabol siya ng mga pulis na nauwi sa engkuwentro, sapagkat nagpaputok si Calungin sa mga pulis, patuloy ni Duterte.

Nakuha ng mga pulis ang isang kalibre 38, mga bala, pitong sachet ng shabu, at drug paraphernalia.

Idiniin ng pamilya ni Calungin na ‘itinanim’ lamang kay Calungin ang mga gamit na sinasabi ni Duterte na nakuha mula kay Calungin matapos ang engkuwentro.

Bukod sa Caloocan, binabantayan din DDSO ang mga drug dealer sa Malabon City, Navotas City, at Valenzuela City.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like