Tangkilikin na ang Lokal na Industriya ng Baril

 

SAMPOL: Ganito ang sampol ng baril  na gawa ng Pilipino.
SAMPOL: Ganito ang sampol ng baril na gawa ng Pilipino.

Ni: Roy Bersales

 

TAHASANG iminungkahi ni Senador Ralph Recto sa administrasyong Duterte na gumawa ng hakbang upang masimulan nang bumili ng mga baril ang pamahalaan sa mga kumpanyang pag-aari ng mga Pilipino, sa halip na sa dayuhan.

Idiniin ni Recto (kasapi ng Liberal Party), na kinakailangan nang tapusin ng pamahalaan ang regular na pagbili ng mga baril sa Estados Unidos ng Amerika na ginagamit ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang pahayag ni Recto ay may resulta ng biglang desisyon ng State Department ng Estados Unidos na huwag nang ituloy ang pagsuplay ng mahigit 27,000 riple sa PNP sa darating na 2017.

Ang posisyon ng State Department ay resulta ng panawagan ng isang senador na kapartido ni Pangulong Barrack Obama sa Demokrata na huwag nang kilalanin at ituloy ang kontrata sa pagitan ng Amerikanong kumpanya at ng PNP hinggil sa mahigit 27,000 riple dahil paniwala nitong paglabag sa karapatang pantao dulot ng madugong kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte na napakatalamak ng operasyon ng iligal na droga sa Pilipinas, kaya naobliga ang pamahalaan na ‘tapangan’ at ‘mapagpasya’ ang kampanya laban sa iligal na droga.

Kung si Recto ang tatanungin, ang desisyon ng Amerika ay magandang pagkakataon upang ang lokal na mga kompanya ng baril sa bansa na ang magsuplay ng mga pangangailangan ng PNP at AFP bukod sa baril.

“Hindi naman pwede na mula helmet hanggang boots [ay] imported. If some of the things can be made locally and the products are of the same price and quality as the ones bought abroad, then let us manufacture them here,” tugon ni Recto.

Ayon sa isang kompanyang pag-aari ng Pilipino, mataas ang kalidad ng kanilang baril.

Katunayan, malakas ang market nila sa ibang mga bansa.

Gusto ng mga lokal na kompanya na sumali sa bidding ng baril sa PNP nitong Hulyo para sa mahigit 27,000 M4, ngunit mismong batas sa procurement ang nagbabawal sa kanilang makalahok sa bidding.

Ayon sa procurement law, maaaring lumahok sa bidding ng mga baril ang isang kompanya kung sa nakalipas na panahon ay nakapasok na ito sa isang kontrata na 50% ng kabuuang halaga ng kontratang inaalok ng pamahalaan tulad ng P1.7 Bilyong kontrata ng PNP.

Naniniwala ang mga kompanya ng mga baril sa bansa na ang nasabing probisyon ay para makopo ng dayuhang kompanyang Amerikano ang kontrata, kaya nararapat itong amiyendahan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like