Tamang pagboto, hindi nahadlangan ng vote buying

KAHIT naging sakit na ng lipunan ang lantarang pamumudmod ng pera o di kaya’y sobreng may nakalakip na, ayon sa ilang kabataan, hindi dapat maging hadlang ang vote buying sa tama at matalinong pagboto.

Ayon sa isang bagong botante na si Edgardo Marzan, isang BS Engineering sa RTU (Rizal technological University), hindi dapat maging hadlang ang vote buying sa pagpili ng mga kandidato na sa tingin natin ay magiging tapat ang serbisyo sa ating pamayanan.

Aniya hindi dapat limitahan ng pagbili ng boto ang ating karapatan upang pumili ng taong iboboto, dagdag pa niya dapat alamin ng mga botante ang background ng kandidatong iboboto.

“No to vote buying” — ito ang kanyang mensahe para sa mga katulad niyang kabataan na nagnanais ng pagabago sa bansa.

You May Also Like

  • joven

    vote buying is a dirty tactics of some dirty/corrupt politicians para manalo… di alam ng mga tao na tumatanggap nito na ang binigay sa kanilang pera ay pagbabayaran din nila sa bandang huli… sa kaunting halaga na natanggap nila, kinabukasan ng milyong-milyong tao ang malalagay sa alanganin…