TALAMAK PA RIN ANG SHABU: P3.35 Bilyong Shabu, Nakumpiska sa San Juan City

 

Ni: Denz Laguipo

 

TINATAYANG P3.35 Bilyong ($67 Milyon) shabu ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa San Juan City nitong hapon ng Biyernes.

Ayon sa NBI at PDEA, 6 na katao ang naaresto nang pasukin ang isang bahay sa Mangga St. sa Barangay Little Baguio sa San Juan City.

Tatlong Chinese o Taiwanese at tatlong Pilipino ang nadakip sa operasyon.

Sabi ng NBI at PDEA, mahigit isang buwan nang tinitiktikan ng mga piling ahente ng pamahalaan ang nasabing lugar bago ikasa ang operasyon.

Ang nakumpiskang ng shabu ay nasa 560 kilo na nakalagay sa 56 bag.

Ang nakumpiska ay mas Malaki sa kabuuang nakumpiskang shabu nitong 2015 na umabot sa 450 kilo.

Ang pagkakakumpiska ng shabu sa San Juan City ay matibay na ebidensya na hindi natitinag ang sindikato ng shabu na kumikilos sa Metro Manila kahit higit 5,000 ang namamatay na mga drug pusher at marami na ring laboratoryo ng shabu ang naipapasara.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like