TALAKAYIN ANG PROBLEMA SA CRIMINAL JUSTICE SYSTEM—ECPPC

 

BILANGGUAN: Ang kulungan ay sumisimbulo sa lipunang itinuring na bilangguan ng mga bata dahil sa halip na bigyan sila ng magandang kinabukasan, 'winasak' ang kanilang musmos pang paggkatao sa pamamagitan ng pagkakasadlak sa kanilang saamu't saring problema ng ating bansa. (Rafael Taboy)
REHAS: Ang mga nakagawa ng krimen ay mabibilanggo sa loob ng rehas na bakal, ngunit napakabagal ng pag-usad ng criminal justice system, kaya hindi malaman kung sinu-sino ang mga talagang nakagawa ng krimen at sinu-sino naman ang mga nanatiling bilanggo na wala namang nagagawang krimen.

Ni: Marites Badilla

 

NANINIWALA ang Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (ECPPC) na hindi lamang ang New Bilibid Prison (NBP) ang may problema, kundi ang buong criminal justice system ng bansa.

Pero, hindi pamumulitika at pamamaslang ng tulak ng droga ang solusyon dito, kundi ang pakikipagtalakayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taong nagmamalasakit sa problema ng criminal justice system, banggit ni Rodolfo Diamante, ECPPC executive secretary.

Ani Diamante, hangad ng mga pinuno at mga volunteer ng “prison ministry” na maibahagi kay Duterte at sa iba pang tao ang kanilang mga nakikitang  suliranin at posibleng solusyon sa depektibong criminal justice system ng bansa.

Idiniin ni Diamante na: “fighting crime is something all stakeholders can unite around and should foster an environment of dialogue, especially with the government.”

Ang lalim at tindi ng iligalidad na umiiral sa NBP, kabilang na ang bentahan ng iligal na droga at umanoy panggagatas ng ilang opisyal ng pamahalaan sa mga drug lord sa NBP, ay nabunyag mula nang paimbestigahan ito ng Committee on Justice ng Kamara del Representatives.

Sabi ni Diamante, hindi wasto ang ginagawa ng Kamara sapagkat ito ay malinaw na pamumulitika lamang ng ilang kasapi nito.

Aniya, “We need to sit down as people and talk about what we can do better in the criminal justice system.”

Aminado si Diamante na napakalala na ng problema sa NBP, ngunit nanawagan siya sa mga mambabatas na itigil na ang pag-iimbestiga, sapagkat lumilitaw na isa lamang itong pamumulitiko ng mga mambabatas.

Inulit ni Diamante na higit na mahusay kung magkakaroon ng talakayan ang iba’t ibang tao at institusyon kasama ang pamahalaan upang matukoy ng eksakto ang mga suliranin sa criminal justice system at mailatag ang solusyon sa mga natutukoy na mga suliranin.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like