Tagumpay

Malinaw ang pagsubaybay ng Diyos sa pagtaguyod ng buhay at pamilya, base sa mga positibong pangyayaring naganap kamakailan sa Estados Unidos.

Mga estudyanteng prolife nag rally sa labas ng Texas Capitol Building
Mga estudyanteng prolife nag rally sa labas ng Texas Capitol Building

Habang dito sa atin ay nagpupumilit ang ibang isakatuparan na ang batas na magdadagdag ng panganib sa kalusugan at mismong buhay ng mga kababaihan at magpapalaganap ng pananaw na ang pakikipagtalik ay “cheap” at “wala lang,” sa ibang bahagi ng mundo ay nagtatagumpay ang mga tagapagtanggol ng kapakanan ng kababaihan at ng kahalagahan ng bawat buhay. At kung nagdududa pa tayo sa pagsubaybay ng Panginoon sa adbokasiya ng buhay at pamilya, ang mga pangyayari sa Texas, Estados Unidos ay patunay na ginagantimpalaan Niya ang tiyaga at walang tigil na pananalig sa Kaniya.
Tatlong mahalagang pangyayari ang naganap nitong mga nakaraang araw lamang: ang paglagda ni Gobernador Rick Perry ng Texas ng House Bill 2, ang pagsasara ng tatlong pacilidad ng Planned Parenthood – ang pinakamalaking abortion provider sa buong mundo – at ang pagbabalik-loob sa Diyos ng isang dating empleyado ng abortionist na kamakailang hinatulang na si Dr. Kermit Gosnell. Halos sabay-sabay ang mga pangyayaring ito, ngunit alam naman natin na ang mga bagay ay hindi biglaang nagaganap, kundi unti-unting nangyayari ang mga maliliit na pagbabago sa paglipas ng panahon.

Bagong batas para sa bawat buhay

Matindi ang labanan ng mga pro-life at pro-abortion sa lehislatura ng Texas nitong nakaraang linggo habang pinagde-debatihan ang panukalang batas tungkol sa abortion. May mga naniniwalang walang masama sa pagpatay sa sanggol sa sinapupunan; at sa maraming estado sa US, hanggang huling bahagi ng pagdadalantao ay okey lang na patayin ang sanggol. Ngayon, dahil sa batas na nilagdaan ni Perry nitong Huwebes, ligal pa rin ang abortion subalit sa Texas ay hindi na pahihintulutan ang pagpapalaglag ng sanggol kapag ang inay ay lumampas na sa 20 weeks o 5 buwan ng pagdadalantao. Marahil ay masasabi ng ibang mapanganib pa rin ito para sa mga ina at pagpatay pa rin ito sa mga sanggol sa sinapupunan, ngunit tulad nitong bagong batas, pagsara ng mga abortion facilities, at ang pagbabago ng isip ng mga empleyado sa mga facilities na iyon, unti-unti rin ang paglakbay sa daan patungo sa panahong ang dignidad ng bawat buhay ay kinikilala.

Ani Johnson at Gobernador Rick Perry
Ani Johnson at Gobernador Rick Perry

3 abortion facilities, sarado na

Kasama sa tatlong ipinasarang Planned Parenthood abortion facilities sa Texas ay ang nasa Bryan/College Station, ang kauna-unahang lugar na kung saan ang 40 Days for Life Campaign – isang programa na kung saan nagdadasal ang mga volunteer sa labas ng facility — ay isinagawa noong 2004. Ito ay bahagi ng pahayag ni David Bereit, national Director ng 40 Days for Life:
“Thousands of dedicated community members have faithfully prayed and held peaceful vigils outside this abortion center, offered hope and alternatives to turn away prospective Planned Parenthood customers, and educated the community about the harm of Planned Parenthood.
These efforts, combined with the decisive action of the Texas legislature, have finally brought about this closure that is an answer to prayer.”

Pagbabalik-loob ng isa pang dating empleyado ng abortion facility

Si Abby Johnson naman, na dating direktor ng nagsarang facility at ngayo’y masugid na pro-lifer na, ay nagtatag ng isang ministry na kung saan ang mga dati at kasalukuyang empleyado sa mga abortion facilities ay tinutulungang makaranas ng healing at makahanap ng ibang trabaho, ang kumakausap sa isa sa mga nagbalik-loob sa Diyos matapos maaresto bilang empleyado sa “House of Horrors” ni Dr. Kermit Gosnell, isang abortionist na hinatulan may sala noong Mayo sa pagpatay ng libu-libong sanggol. Ani Johnson sa kanyang pahayag:
“I wanted to share something with you that she told me when we first talked. She said, ‘When the police came to arrest me, I was filled with a peace that I had never experienced before. I knew that it was over. I knew that I no longer had to work with that man ever again. I knew I would finally be free.’ This woman has been on a long journey…out of Gosnell’s clinic…rediscovering Christ…now working with us.”
Malinaw na ang patuloy na pagtitiwala sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok at pansamantalang kabiguan sa ay nagbubunga paglipas ng panahon, basta’t buhay at pamilya ang ipinaglalaban.

You May Also Like