Survey firms, explain!- Comelec

 Ang Social Weather Stations at Pulse Asia ang pangunahing nais maimbestigahan ng Comelec tungkol sa mga naglalabasang mga survey tungkol sa mga senatoriables.
Ang Social Weather Stations at Pulse Asia ang pangunahing nais maimbestigahan ng Comelec tungkol sa mga naglalabasang mga survey tungkol sa mga senatoriables.

PINADALHAN ng summons notice ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang malalaking survey firms upang pagpaliwanagin ang mga ito ukol sa mga isinasagawang research kaugnay ng halalan sa Mayo 13.

Kabilang umano sa mga balak imbestigahan ng poll body ay ang Pulse Asia Inc. at Social Weather Stations (SWS) upang tuwirang mabatid ng Comelec kung may nilabag bang alituntunin ang mga ito at makilala ang kani-kanilang mga financiers.

Ayon sa ulat, ilang political parties at mga kandidato na umano ng midterm polls ang nagbabayad ng malaki upang magsagawa ang mga naturang kumpanya ng survey sa mga lugar ng kanilang mga tagasuporta, partikular na sa kani-kanilang balwarte o teritoryo.

Layunin din umano ng nasabing imbestigasyon na alamin ang kredibilidad at katotohanan ng mga survey na isinasagawa ng mga nasabing kumpanya dahil nakatatanggap ang Comelec ng impormasyon na ginagamit lamang ang mga ito upang maikondisyon ang isipan ng mga botante at taumbayan.

Samantala, nasasaad sa Election Code na mahigpit nitong ipinagbabawal ang pagpopondo ng mga pulitiko o kandidato sa mga surveys tulad ng nabanggit dahil ito ay dapat non-profit at non-stock company lamang.

Nakatakda ang pagdinig sa issue sa darating na Abril 15.

You May Also Like