Sunog sa Makati, dahil sa tag-init

MATINDING init ng panahon ang sinasabing sanhi ng isang sunog sa A.venue Mall sa Makati City nitong Martes.                       

4:00 na ng hapon nang mapansin ni Aling Cristi, isang tindera na malapit sa nasabing lugar, ang maitim na usok na nagmumula sa isang rooftop ng A.Venue Mall.

Ayon sa guwardiyang si Peña Gabby, dahil sa sobrang init kaya nagkaroon ng sunog sa mataas na gusali ng mall, agaran naman itong naapula nang bandang 5:15 ng hapon at wala namang naitalang napinsala o nasugatan sa nasabing sunog.

Bandang 6:20 na ng nadeklarang fire out ang lugar at tuluyan nang bumalik sa dating mga gawain ang mga empleyado sa nasabing mall. [Ronalyn Frial]

You May Also Like