Sunog sa isang Lumad evacuation site, nagtala ng limang sugatan

Carizza Ibañez

Lima ang sugatan matapos masunog ang isang Lumad evacuation camp sa Davao City noong Miyerkules, ika-23 ng Pebrero. Apat sa mga biktima ay pawang mga bata.

Ayon sa grupong Defend Talaingod Save Pantaron (DTSP), alas dos ng madaling araw nang ilang hindi pa nakikilalang mga lalaki ang sumunog sa dormitoryong nagsilbing evacuation site ng mga internally-displaced persons (IDPs) sa loob ng United Church of Christ in the Philippines (UCCP) sa Haran compound.

Sa kabila ng patuloy ng imbestigasyon, naniniwala ang DTSP na pinaghandaan at sinadya ang sunod sa evacuation camp.

Kinondena naman ni Kabataan Representative Terry Ridon ang nasabing arson at nanawagan sa lokal na pamahalaan ng Davao, partikular na ang alkalde ng Davao City na si Mayor Rodrigo Duterte, na bilisan ang imbestigasyon upang maresolba agad ito.

“What are our national and local officials doing to protect the Lumad? The Lumad evacuees, victims of internal displacement, have sought refuge in UCCP, yet these paramilitary groups again proved that they will stop at nothing to harm them, even resorting to arson in this latest attack,” pahayag ni Ridon.

Ayon naman sa Gabriela Women’s Party at Kilusang Mayo Uno (KMU), hinihinala ng mga lumads na ang Alamara, isang paramilitary group na konektado sa Armed Forces of the Philippines (AFP), ang nasa likod ng sunog.

Mahigit 700 na refugees na umalis sanhi ng pinaigting na presensya ng pwersang militar sa Davao del Norte, Bukidnon, at Surigao del Sur ang namiling manirahan sa UCCP-Haran compound simula Marso ng nakaraang taon.

Dagdag pa ni Ridon, hindi ito ang unang beses na inatake ng mga masasamang grupo ang evacuation camp.

You May Also Like