Sundalo, kalaboso dahil sa snatching

DINAKIP ng elemento ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang miyembro ng Philippine Navy (PN) makaraang ireklamo ito ng snatching.

Kinikilala ang suspek na si Jessie Ortega (43-anyos) na residente ng Rodriguez, Rizal.

Ang kaso ni Ortega ay snatching ng cellular phone.

Ang kanyang biktima ay isang 6-taong-gulang.

Ang insidente ay naganap dakong 7:00 p.m. nitong Hunyo 27 sa Quezon City.

Si Ortega ay nahaharap sa kasong theft.

Siya ay mayroon nang isang buwang AWOL. Ayaw magsalita ni Ortega hinggil sa reklamo laban saa kanya. (Paula Antolin)

 

Propellerads

You May Also Like