Stem cell therapy tinataguyod ang aborsyon — Villegas

fr soc villegasMANILA – AYON sa susunod na pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP),direkta o ‘di direktang ipinapalawig ngstem cell therapy gamit ang embrayo ng tao ang aborsyon.

Binatikos ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang paggamit ng mga cell na galing sa mga batang inabort at sinabing ang gawaing ito ay may direkta o ‘di direktang epekto sa pagpapalaganap ng aborsyon.

“Stem cell research and therapies that use stem cells derived from human embryos or aborted fetuses should be rejected and prohibited,” paliwanag niVillegas sa isang pahayag sa Union of Catholic Physicians sa kanyang arkdiyosesis, na humingi ng gabay tungkol sa nasabing isyu.

Hindi lamang “mali ayon sa moralidad”ang ganitong gawain, ayon kay Villegas, kung hindi “nakasusuklam”, dahil ibig sabihin nito ay kailangang may isang sanggol na mamatay upang iligtas ang isa pang buhay.

Binigyang-diin ni Villegas ang mga katuruan ng Simbahang Katolika na nagsasabing ang isang embrayo, saygot o fertilized ovum ay isang kumpletong tao.

“Such human being or entity is irreplaceable and is always an end in himself. Killing an embryo in any of its stage of development is killing a human being. This makes it morally repugnant,” dagdag pa nito.

Ayon din kay Villegas, kailangang mag-ingat din ang mga siyentipiko at dalubhasa sa pagsasagawa ngtherapy at pananaliksik tungkol sa stem cell gamit ang mga cell na galing sa halaman, hayop at mga “genetically modified human stem cells” at siguraduhing pumasa ang mga ito sa nakatalagang beripikasyon at awtorisasyon upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko.

 

Ni JENNIFER ORILLAZA

You May Also Like